Select Page

Kakaibang Nilalang ng Dagat na Tinatawag na “Globster” Nakita sa Oriental Mindoro

 

Ang kakaibang itsura na hayop pandagat na tinatawag na “globster” ay natagpuang nakalutang sa baybayin ng San Antonio, Oriental Mindoro noong nakaraang biyernes, alas-syete ng gabi. Ang akala ng mga lokal na naninirahan doon ay isa itong labi ng mga hayop galing sa kailaliman ng  dagat.



 

Ayon sa News Week, ang kakaibang itsura ng mabuhok na nilalang ng dagat na ito ay mga 6 na metro ang haba. Maraming nagsasabi ayon sa pamahiin na mga lokal na ang paglitaw ng hayop na ito ay isa sa mga senyales na may masamng mangyayari tulad ng pagkakaroon ng lindol sa Oriental Mindoro.


Marami ang naalarma nang marinig nila ang balita dahil ayon sa kanilang paniniwala, kapag ang mga nilalang na ng dagat galing sa parteng malalim na ng karagata at nakita mo na ito sa dalampasigan ay nagsesenyales na may mangyayaring sakuna, sabi ni Vincent Dela Pena Badillo.

Ang hindi matukoy na nilalang na ito ay tinatawag na “globster” at hindi ito unang nakita sa dalampasigan ng Oriental Mindoro. Ito ay unang lumitaw sa baybayin ng Dinagat Island noong February 2017.

Sabi ng mga dalubhasa na ang mabuhok na nilalang na ito ng dagat ay marahil muscle fibers ng carcass habang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources naman ay isa daw itong nabubulok na katawan ng balyena. Ayon kay Fishery Law Enforcement Officer Vox Krusada, nangalap daw sila ng mga samples para sa DNA analysis ng di matukoy na organismong ito.



About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting