Select Page

9 Na Palatandaan Na Nagloloko Ang Inyong Asawa

Narito ang mga palatandaan para masabing nagtataksil ang inyong asawa:

1. Madalas na “late nights”

Nakakaranas kayong humiga sa gabi na hindi kasabay sa pag-tulog ang inyong asawa? Kung ang inyong asawa ay madalas napupuyat at hindi ninyo kasabay matulog, madalas ang dahilan ay may ginagawa s’ya na hindi n’ya gustong ipaalam sa inyo. Bagamat maaaring trabaho ang dahilan, ani Clare, hindi daw dapat ito ipagsawalang bahala basta.

2. Pagbabago sa spending habits

Ang mga taong may kinakasamang iba ay madalas gumagastos ng iba sa karaniwang pag-gastos n’ya dati – minsan nag-aapply pa ang mga ito ng bagong credit card ng hindi ipinapaalam sa inyo. Maaaring biglang bumibili ng mamahaling bagay ang mga ito.

 

3. Pagiging mapaglihim sa kanyang mga gadgets

Pagkakaroon ng marami at iba’t ibang passwords sa kanyang cellphone, laptop at social media ay isa sa mga karaniwang palatandaan. Bagamat lahat ay may karapatan magkaroon ng privacy, ang isang taong walang tinatago ay dapat walang maging problema na i-share ang access sa accounts sa kanyang asawa kung ito ay tanungin.

4. Mapanuyang mga sagot

Ayon kay Clare, ang isang lalaking nagtataksil ay madalas gumagawa ng kuwento upang mapagtakpan ang kanyang mga kasinungalingan. Dahil rito, mas nagiging mapanuya ang kanilang mga sagot para hindi mahalata ang kanilang pagsisinungaling.

5. Madalas na pagsama sa isang babaeng katrabaho

Kung ang iyong asawa ay madalas lumalabas kasama ng isang babaeng katrabaho pero iginiit nito na sila ay magkaibigan lamang, maging mas maingat daw, ayon kay Clare. Kung ang katrabaho ng iyong asawa ang s’yang malandi, maaari itong maging mas malaking pahamak sa inyong pagsasama.

6. Bagong mga pag-uugali

Kung ang inyong asawa ay may bagong pag-uugali, o kaya naman mga bagong pananalita o expressions o ‘di kaya ay mga kilos, maging alerto. Maaaring nakuha o natutunan nila ito sa kanyang kabit.

7. Pagiging mas “narcissistic”

Mas pinapahalagahan na ba ngayon ng inyong asawa ang kanyang panlabas na itsura sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagong damit o kaya naman ay pagbabawas ng timbang? Maaring senyales na ito ng kanilang pagtataksil. Ayon kay Clare, bagamat hindi 100% na pagkakaroon ng kabit ang dahilan ng kanilang pagnanais na magbawas ng timbang, maaari parin itong maging babala.

8. Naging matrabaho na ang pakikipagtalik

Kung wala na ang spark sa kama, maaaring dahilan ito sa pagkakaroon n’ya ng pagtingin sa iba. Ani Clare, kailangan ibalik ang excitement sa inyong pagsasama. 

9. Malayo na ang loob ng inyong asawa

Hindi na siya nagkukwento tungkol sa kanyang araw o kaya naman sa kanyang nararamdaman. Kahit sa isang pagtatalo, hindi na rin siya naglalaan ng oras o tiyaga para ito ay pag-usapan at ayusin. Ito ay maaaring dahil sa hindi na kayo ang una nilang pinagsabihan ng kanilang saloobin at nakahanap na sila ng ibang pagkukuhanan ng pang-unawa.

Source: https://ph.theasianparent.com

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting