Select Page

Ang Kakaibang Kaso ng Orange na Prutas na Naging Purple Pagkatapos ng Ilang Ora

Ang mga Australian food scientist ay hindi makapaniwala at pumukaw sa kanilang atensyon ang tungkol sa orange na prutas na naging kulay violet pagkatapos lang ng ilang oras itong mahiwa o maslice. Ang kakaibang kulay na prutas na ito ay kinolekto para sa forensic na ebinsya pero hanggang ngayon wala pa rin makapag paliwanag kung bakit naging ganoon ang kulay nito.

Ang misteryosong orange na ito ay nabili noong nakaraang linggo ni Neti Moffitt, na residente ng Brisbane, sa isang fruit at vegetable market. Ang plano niya dito ay para sa merienda ng kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki at sinabi niya na ang prutas ay normal naman ang itsura at amoy. Nakaiwan lang siya ng isang hiwa nito sa  buong magdamag, sakanya niya napansin na naging isa itong matingkad na kulay violet na nakapalipot sa orange na pulp. Pagkatapos niyang maghanap ng kasagutan sa internet, nalaman ni Moffitt sa isang 2015 na article na nasabi ang katulad ng kaso na nangyari sa orange kung saan may bumili ng isang orange sa fruit stand at pagka-hiwa lang nito ay naging kulay purple na.



“Para itong inilubog sa isang ink pad, na sigurado akong hindi ko ginawa” sabi ni  Neti Moffitt sa ABC.net.au. “Tiningnan ko ng paulit-ulit ang aming basurahan para sa tatlong natira ng kanyang anak, at mas kulay violet pa ito sa naiwan niya magdamag. Una kong naisip na baka may masamang epekto ito sa aking anak, pero wala. Siya ay okay naman at normal pa rin, walang drama.”

Pagkatapos basahin ang kaso ng purple orange na nagpaisip sa mga scientist noong 2015, ang Brisbane na ina na ito ay tumawag sa mga atoridad tungkol sa kanyang purple na prutas, at agad dumating mga mga scientist para ikolekta ang piraso ng mga orange pati na rin ang mga bagay na nadikit dito, at umaasa na mareresolba ang misteryo.

“yung lalaking kumolekta nito ay excited,” sabi ni Moffitt “Alam niya na noong nakaraang tatlong taon ay may kaso din na ganito, at sinabi niya sa kasamang niyang Chemist na ‘tingnan mo, may isa na naman tayo’.”



Ang unang kaso ng orange na naging purple na nagpagulo sa scientist ay walang kasagutan. Ang mga test sa artificial food dyes ay negative ganun din sa iodine, Ang mga sample rin ay pinadala sa lab na espesyalista sa molecular biology, pero ang analysis ay di pa rin sila nabigayan ng sagot. May mga spekulasyon na ito ay dulot ng kontaminasyon sa prutas ng bumili nito, hindi dahil sa mismong prutas, pero hindi ito nakumpirma.

Source: odditycentral.com

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting