Select Page

Ang lalaking naging milyonaryo sa pamamagitan ng pagbebenta ng fake dog balls. Alamin.




Si Gregg Miller ay isang totoong patunay na ang isang kalokohang ideya ay pwedeng maging purong kahenyohan. Siya ang nag-imbento ng Neuticles, na silicone implant para sa mga lalaking aso pampalit sa kanilang bayag pagkatapos ng pagpalit sa kanilang kasarian o neutering nang hindi mawala ang kanilang itsurang lalaki.

 

Si Miller ay nakaisip ng ideya na purong cosmetic replacement para sa animal testicles ng early 90s, nang siya ay bumili ng bloodhound puppy na pinangalanan niyang Buck. Tinanggihan niya ang ideya na palitan ang kasarian ng kanyang aso sapagkat ayaw niya itong mapagdaanan ang surgery, pero pagkatapos ng kanyang aso na si Buck na mawala ng apat na araw pagkatapos makaamoy ng scent ng babae, ang magaling na imbentor ay nagbago ng isip. Inilarawan niya na ang apat na araw na ito ay ang pinakakakila-kilabot para sa kanya, at alam niya na pag hindi niya binago ang kasarian ang kanyang aso, isusugal na naman niya ang buhay nito na pwede uli itong mawala. Pero gusto niya pa rin na mapanatili ang binigay ng Diyos na katangian at itsurang natural ni Buck, kaya tinanong niya ang veterinarian kung mayroon na sumailalim sa testicle implant. Sinabi ng beterinaryo na ito ang pinakanakakatawang narinig niya sa buong buhay niya, pero alam ni Greg na ito ay may magandang idudulot.

Maniwala kayo o hindi, yung mismong beterinaryo na nagsabi kay Gregg Miller na ang kanyang ideya para sa testicle implant na kalokohan lamang ay agad din nakipagugnayan sa kanya para sabihin na nagbago na ang kanyang isip at gusto niyang makipagtulungan sa kanya sa prototype. At doon nga nagmula ang Neuticles, ang sikat na sikat ngayong fake dog balls.



Kamakailan, sinabi ni Greg Miller sa CNBC na siya at ang 32 na lokal na investors ay naglagay ng $100,000 sa development ng kanyang unang Neuticles. Sinabi ng kanyang mga magulang sa kanya na siya ay nababaliw na, kahit na ang iba kapag naririnig ang kanyang ideya ay sasabihin na ito ang pinaka-kalokohang narinig nila at ang ibang mga printers ay ayaw iprint ang kanyang mga material. Pero naniwala pa rin siya sa kanyang ideya, at natodo na ang kanyang mga credit cards pati ang lupa ng kaniyang bahay ay naisanla na para lang mangyari na maisagawa niya ang kanyang naisip na Neuticles.

Pagkatapos subukin ang unang Neuticle prototypes sa 30 na alagang hayop na walang diperensiya, ang unang pares ng testicle implants ay nabenta noong 1995. Ang mga fake dog balls ay umani ng atensyon sa media noong mga una, pero nang tuamagal talagang nakilala na ang kaniyang imbensiyon. Sa tatlong taon, hindi alam ni Miller kung sisikat ito tulad ng kanyang pinapangarap, pero nagpursigi nalang siya mabuti, nag aanunsiyo siya sa mga magazines, at kahit sa radyo pa na nag-aalok ng libreng Neuticles sa mga tagapakinig. Ang kanyang paghihirap ay nabawi magmula noong araw-araw na siya nakakatanggap ng mga isang daang inquiries.

Nagkaroon ng isang malaking problema. Noong umpisa, ang Neuticles ay gawa sa mga matitigas na plastic at nagkakaroon ng kakaibang tunog pag ang hayop ay naglilikot. Ang mga tao ay nagrereklamo dahil dito, pero wala siya magawa tungkol dito. Isang araw, nakaisip na siya bigla ng ayos na alternatibo.

“Iyan ang problema na kinaya namin sa tatlong taon hanggang may isang henyo, pagpalain ito ng Diyos kung nasaan man siya, na nakaimbento ng solid na silicone,” kwento ni Miller.




Si Greg Miller ay nagsasabi na nakabenta na daw siya ng lagpas 500,000 na Neuticles sa huling 25 na taon, at yun ang nagdala sa kanya sa pagiging milyonaryo. Lumaki na ang kanyang negosyo, nag aalok at nagbebenta na rin siya ng Neuticles para sa mga kabayo, pusa at toro. Kahit ang isang malaking elepante ay napagbentahan na rin niya ng Neuticles. Natanong siya kung may balak siyang gumawa ng Neuticles para sa mga mga tao partikular ang mga lalaki, pero isang napakalaking abala at matagalan proseso pa ang kanyang pagdadaanan para maaprubahan lang ng FDA.
Source: Oddity Central

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting