Select Page

Ang Mga Makukuha Mo Sa Pagkain Ng Saging Na Hindi Mo Aakalain at Hindi Mo Pa Alam

Narito ang mga pangunahing benepisyo sa pagkain ng SAGING:

1. Ang saging ay nagpapalakas ng katawan.

Ang saging ay nagbibigay ng energy sa ating katawan. Ito ay nagtataglay din ng potassium na mahalaga para sa normal na pagtibok ng puso. Kapag maayos ang pagtibok ng puso, nalalayo ang panganib sa alta presyon, stroke at iba pang sakit sa puso. Mahalaga rin ito para palakasin ang ating mga muscles. Kung ikaw ay regular na nag-eehersisyo ang pagkain ng saging ay may malaking benepisyo upang hindi ka madaling manghina at upang manatili ang lakas ng iyong katawan.

2. Ang saging ay gamot sa ulcer, mahapdi ang sikmura, hyperacidity at  gastroesophageal reflux disease (GERD.)

Ang saging ay may component na leucocyanidin na tumutulong upang pakapalin ang lining ng stomach. Huwag mag-alaala ang mga may sakit sa sikmura na baka mangasim kung kakain ng saging, dahil ang saging ay makatutulong para mapabuti ang kalagayan ng tiyan.

3. Ang saging ay mabisang pangontra sa stress.


Sa oras na ikaw ay naiistress, nalulungkot, at ninenerbiyos, ang pagkain ng saging ay gamot upang maging maayos ang iyong pakiramdam. Dahil sa mataas na component ng saging na tryptophan na kinoconvert ng katawan para maging serotonin (mood elevating brain neurotransmitter) napakakalma nito ang iyong mood.


 

4. Ang saging ay nagtataglay ng Vitamin C.

Ang madalas alam natin ay sa mga oranges, citrus at maaasim na prutas lang makukuha ang Vit.C. Ang saging ay pwedeng alternatibong pagkukunan ng bitaminang ito. Ito ang isa sa bitamina na kailangan natin upang mapalakas ang ating resistensya at malabanan ang mga sakit.

5. Ang saging ay may mataas na level ng mga mineral na copper, magnesium at manganese para sa produksyon ng red blood cells.

Ang copper ay kailangan para sa produksyon ng red blood cells. Ang magnesium ay nagpapatibay ng buto. Mayroon din itong nagagawa para proteksyunan ang puso. Ang manganese naman ay may bahaging ginagampanan sa paglikha ng anti-oxidant.

6. Mabisang pagkunan ng Vitamin B6 ang saging (pyridoxine) para sa Anemia at Neuritis

 Ang pyridoxine ay tumutulong para sa pagpapagaling ng mga may anemia at neuritis (pamamaga o impeksyon sa nerve.)


 

7. Ang saging ay tumutulong upang maging normal ang pagdumi. 

Dahil sa taglay na fiber ng saging, ito ay tumutulong upang maging maayos ang pagdumi.

Ang pagkain ng dalawang saging sa isang araw ay iminumungkahi upang mapunan ang mga sustansyang kailangan ng ating katawan. Para sa mga may diabetes, hindi masama ang kumain ng saging basta’t huwag lalampas sa dalawa ang makakain sa isang araw.

Kung may ibang problemang pangkalusugan, makabubuting sumangguni muna sa inyong doktor upang masigurado na hindi malalagay sa alanganin ang inyong kalagayan kung sakaling nais kumain ng saging.



Source:

https://masiglangsijuan.wordpress.com

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting