Select Page

Ano nga ba si Joven ng Pilipinas Got Talent Season 6, bilang boyfriend?

          Sino nga ba si Joven Olvido sa likod ng kasikatan? Marahil halos lahat tayong pilipino, lalo na ang taga-subaybay sa ABS-CBN ay kilala na si Joven Olvido. Siya ang nanalong 2nd runner up sa kompetisyon na Pilipinas Got Talent Season 6. Marami ang napatawa ni Joven sa kanyang mga pagganap lalo na at nakakatawa talaga ang mga ito. Nagustuhan rin ng mga judges na sina Angel Locsin, Robin Padilla at Vice Ganda ang kanyang mga pakulo dahil mabilis din ang utak nito sa paggawa ng jokes tulad rin ng komediyanteng si Vice.

 

          Naibahagi din ni Joven ang kanyang buhay bago siya sumali sa PGT sa isang palabas tuwing umaga sa ABS-CBN na Magandang Buhay. Siya pala ay isang tricycle driver bago pa siya sumali sa PGT. Nag-umpisa daw siyang pumasada ng tricycle noong nakaraang taon at tuwing gabi lang siya nakakapamasada dahil may pasok siya sa umaga.

          May mensahe din siya sa mga kapwa niya tricycle driver na wag daw mawalan ng pag asa, lagi dapat masaya kahit may problema, ngiti lang at buhay mo’y gaganda. Talaga naman nakakabilib si Joven. Siya pala ay isang masipag na tricycle driver. Dahil din sa natuwa sa kanya si Vice Ganda kaya pinangakuan siya na bibigyan siya ng brand new tricycle.

          Marami din nag tatanong kung may nagpapasaya na ba sa puso ni Joven Olvido at kung kanino niya kinukuha ang inspirasyon. Inamin ni Joven Olvido sa paglabas niya sa Magandang Buhay na meron nga siyang kasintahan. Ayon kay Charlene Ibanez, kasintahan ni Joven, mabait, sweet at maalaga ito sa kanya. Seloso din daw dati si Joven. At ayon kay Joven nagbago na siya. Magiging malawak na daw ang kanyang pang unawa.

                        Talaga namang marami sa atin ang napapasaya ni Joven Olvido. Abangan natin siya sa kanyang unang movie kasama si Vice Ganda sa MMFF sa December 2018.

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting