Select Page

Apat na Japanese treasure hunters naaresto sa Capones island. Alamin kung bakit.

Ayon sa pulis ng San Antonio, base sa lalim ng lagusang nahukay ng mga Japanese treasure hunters at ng mga manggagawang pinoy, posibleng ang mga suspek na ito ay nagsasagawa na ng kanilang paghukay mga isang buwan bago sila mahuli.

Sa ZAMBALES, Philippines –  Apat na Japanese treasure hunters at ang kanilang 13 Filipino workers ay naaresto noong Huwebes, May 31, dahil sa di-awtorisadong paghuhukay at paghahanap ng kayamanan sa Capones Island sa Barangay Pundakit, San Antonio.

Nakilala na ni Senior Inspector Jonathan Bardaje ng San Antonio police office-in-charge ang mga suspek: sila Domyo Ukari, 56, ng Kagoshima, Japan; Shinchi Kawano, 44, ng Kanagawa; Mori Eizo, 60, ng Tokyo; at isang15-year Japanese na lalaki galing Saitama.

Ang mga manggagawang Pinoy as sina Lloyd Marlo Cerezo, Arnold Argel, Rexy Maycong, Rodrigo Castro, Luis Cerezo, Lymar Cerezo, Reggie Maycong, Noel Flores, Jason Ebalane, Gregorio Domingo, Effer Tolentino, Espiridon Gumacao, at Ronald Gonzales.

Ayon kay Bardaje, mga bandang alas singko ng Huwebes, May 31, magkasanib na operasyon ng San Antonio MPS, pati ang 2nd Provincial Mobile Force Company (Zambales PFMC), at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang naatasan para alamin ang di-umano’y illegal na pagmimina sa Capones Island.

Ang mga awtoridad ay nakarating sa lugar mga 6:30 ng umaga at nahuli ang isa sa mga suspek na naghuhukay sa kanlurang bahagi ng isla, 50 metro sa hilagang silangan mula sa lighthouse na ninabantayan ng tauhan ng gobyerno.



Base sa lalim ng lagusan/tunnel, nasa 16 na talampakan ang lalim, sabi ni Bardaje. Ayon sa kanya ang mga suspek ay nagsisimula ng magsagawa ng paghuhukay sa mabatong isla isang buwan na ang nakalilipas.



Lahat ng suspek, maliban sa menor de edad, ay dinala sa All the suspects, except the San Antonio police station sa kasong illegal mining, malicious mischief, at violation of municipal ordinance na nauukol sa Marine Protected Area.

Ang Vice Mayor ng San Antonio na si Lugil Ragadio ay sinabi na ang isla ng Capones , ay na deklara bilang Marine Protected Area sa tulong ng municipal ordinance 12-056 na nakapetsa ng February 13, 2012, ay isa sa mga major tourist destinations ng probinsya, lalong-lalo na tuwing bakasyon.

Sa interview ng media, isa sa mga Pinoy na suspek ay inamin na sila ay nagsasagawa ng treasure hunting sa lugar at sila ay binabayaran ng 1,000 kada araw ng kanilang mga amo na hapon.

Sa ilalaim ng Philippine laws, ang mga tao na nagnanais maugnay sa treasure hunting ay dapat magkaroon ng permit galing sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Source: Rappler.com


About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting