Select Page

Australianong Psychic: Sinasabi na kaya niyang maamoy ang kamatayan ng tao




Si Ari Kala, 24 taong gulang na  psychic galing New South Wales, Australia, ay mayroon kakaibang taglay na makakita ng hinaharap – kaya niyang alamin kung ang tao na kaharap niya ay mamamatay na sa pamamagitan ng pag-amoy dito.

 

Ang tinaguriang psychic coach na ito ay nadiskubre niya ang kanyang talentong kakaiba ng siya ay 12 taong gulang pa lamang, nang binisita niya ang kanyang tiyo na may malala nang sakit. Naaalala niya na may kinuha siyang bagay na kakaiba ang amoy na galing doon sa bahay ng gabing iyon bago mamatay ang kanyang tito at akala niya ay ito ay galing sa labi ng kanyang tito. Gayunman walang ibang nakakaamoy ng bagay na ito, at sabi ni Kala “kakaiba, nakakasama sa katawan na parang bulok ang amoy” ay senyales pala ng nalalapit na kamatayan, na ilang beses na niyang naeenkwentro sa buong buhay niya, lalong lalo na sa mga tao na may malala nang sakit o kaya naman sa mga matatanda na.

 

“Ang taon bago ako tumuntong ng hayskul, pumunta ko sa uncle ko noong siya ay namatay. Bago siya mamatay, mayroon ako napulot na kakaiba, nakakasama sa katawan na parang bulok ang amoy dito sa bahay. Akala ko ay amoy lang ito ng kanyang labi dahil hindi ko pa ito naaamoy kailanman. Pero walang ibang nakakaamoy ng naaamoy ko. Napagtanto ko na ang pagkamatay ang naaamoy ko”, sabi ni Ari Kala sa Caters Clips. “Simula noon, nakakaranas na ako ng katulad na bagay sa mga may malubhang karamdaman at sa mga matatanda na – ng maraming beses na.”

 

Ang paghula sa kamatayan ay hindi lang mapanglaw, kung hindi walang kabuluhan, ayon sa 24 taong gulang na psychic. Inamin niya na sa oras na makaamoy siya ng kamatayan sa tao, itong mga taong ito ay hindi mo na matutulungan sapagkat wala nang lunas o kaya naman malala na talaga, kaya ang pagsasabi sa kanila na sila ay mamamatay na ay walang kahulugan.

 




“Minsan pakiramdam ko ay isa akong pabigat. Nasanay ako na may gusto akong sabihin, ngunit napagtanto ko na hindi ko ito tungkulin,” sabi ni Kala. “Parang wala itong saysay. Paano ako makakatulong sa iba? Paano ako lalapit sa mga taong di ko kilala tungkol sa naaamoy ko at kung paano ko sila tutulungan? Paano kung hindi nila alam na sila ay malapit na pala mamatay, maaari ito maging isang sakuna o problema. Hindi ko makita na ako ang sisira sa kanilang nakatadhanda.”

Dahil dito, ang batang psychic ay ayaw na magpokus sa kanyang abilidad masyado, sa halip ay nagtuturo nalang siya sa mga kabataang babae kung paano gamitin ang psychic na abilidad nila, pero karaniwan ito ay napipigilan kapag bata. Siya man din ay ibinaling niya sa iba ang kanyang kakayahan noong siya ay bata pa, pagkatapos siyang mahiwalay sa ibang bata, at kailangan pa niyang pagtrabahuhan para bumalik ang kanyang abilidad na ito. Kaya ngayon gusto niyang makatulong sa iba para sila din ay makatulong.



“Bilang bata nababasa ko ang mga emosyon ng mga tao at lagi akong nangangarap na ito ay magkatotoo,” sabi ng batang babae. “Ayaw ng mga tao ito, kaya lumaki akong may takot na husgahan kaya tinanggal ko sa sarili ko ang kakayahan kong ito.”

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting