Select Page

Di umano’y 71 taong gulang na ginang ay nagdadalang-tao pa! Alamin ang buong kuwento.

Isang  71 taong gulang na ginang galing Mazatlan, Mexico inaamin na siya ay 6 na buwan na siyang buntis at babae ang kanyang magiging anak. Dahil dito siya na ang magiging pinaka matandang magiging ina sa kasaysayan.

Sabi ni Maria de la Luz, unang naghinala siya na siya ay buntis ay noong nakaraang tatlong buwan nang nag-umpisa siyang makaramdam agad ng pagod, lagi siyang nahihilo at nagsusuka. Pumunta siya sa isang pribadong klinika at nagpatingin sa doktor. Doon niya nakumpirma na siya ay magiging nanay ulit sa ika-siyam na beses. Inamin niya na sumailalim siya sa sampung ultrasound para lang makasigurado na siya ay buntis dahil kahit ang mga doktor ay di makapaniwala.

Masakit daw ang kanyang mga binti at nagsusuka siya at nahihilo. At ngayon daw ay sumailalim sila sa sampung ultrasound sa pribado at pampublikong ospital. Hindi daw talaga makapaniwala ang mga doktor na siya ay nagdadalang-tao, sabi ni De La Luz. “Sinabi nila na babae ito. Tingnan mo ang kanyang maliit na mukha.”, kwento niya.

Kahit ang kanyang ibang mga anak ay di natutuwa sa balita na itona magkakaroon pa sila ng isang kapatid na babae at maraming tao ang nagpapayo sa kanya na huwag na ituloy ang pagbubuntis dahil na rin sa katandaan niya, sinabi ni Maria de la Luz na natutuwa siya sa kanyang pagbubuntis. Inamin niya na may nakatakda siyang pagpapatingin sa doktor sa susunod na dalawang buwan at inaasahan na niya na dahil sa kanyang edad, ang sanggol ay ipapanganak ng caesarean.

Dahil sa balitang ito, talagang magiging maingay na ang isang 71 taong gulang na ginang ay buntis.Maraming kababayan ni De la Luz ang tumaas ang kilay at humusga sa kanya sa komunidad ng medisinanat ng publiko. Maraming doktor ang nagsasabi na ang balitang ito ay gawa-gawa lang sapagkat ang isang babae sa ganoong edad ay imposible na makabuo ng bata sa sinapupunan. Kahit na ang kanyang mga kapitbahay ay sinasabi na siya ay nagsisingungaling lamang.

Pagkatapos kumalat ng balitang pagbubuntis ni Maria De la Luz na ito sa Mexico, si Maria ay tinawagan ng ospital sa kanyang lugar na pumunta siya dito para masuri. Wala silang rekord ng pagbubuntis nito. Tanging ang mga litrato galing sa ultrasound ang patunay na ipinakikita niya sa mga taga-ulat.

Totoo man ito o hindi, nakuha na niya ang atensiyon ng maraming tao pati na ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan. Ang tumatakbong mayor ng kanilang lugar na si Luis Guillermo Benitez Torres ay nagpaabot na ng mensahe sa magiging nanay na si de la Luz na siya ay magiging ninong ng sanggol na tinatawag nilang “miracle child”.

Kung si Maria de la Luz ay totoong manganganak, siya ay magiging pinakamatandang ina sa kasaysayan ng tao. Ang kasalukuyang may hawak ng titulo na ito ay si Maria del Carmen Bousada na nanganak ng kambal noong 2006 sa edad na 66 at 358 na araw.

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting