Select Page

Duterte binigyang diin ang plano sa Boracay na land reform area

Noong Miyerkules, binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang plano na gawin ang Boracay na land reform area, at nagsasabi na gusto niyang unahin ang mga naninirahan sa isla.

“Dinedeklara ko ang reporma sa lupa sa buong isla ng Boracay. Ang kongreso at ako ay mag-uusap tungkol dito” sabi ni duterte sa kanyang talumpati sa Manila

Sinabi ng Pangulong Duterte na siya ay handang magbigay ng parte ng isla para ilaan sa turismo.

Pag-aaralan daw ng kongreso ng ng kabinete ang posibleng paglalagay ng maliit na parte para sa turismo at ang natitira ay para sa reporma sa lupa. .

408.5 na hektarya na lupa ng Boracay ay mapupunta sa kamay ng gobyerno para sa land reform program, sabi ng Department of Agrarian Reform.

Ayon sa sekretarya ng Agrarian Reform na si John Castriciones, ang 15.5 hektarya na lupa pang agrikultural sa isla ng Boracay ay magagamit na para sa distribusiyon kapag inutos na ng Presidente.

Noong 2006, si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ay pumirma sa Proklamasyon no. 1084, na nagsasabi na ang Boracay ay may dalawang bahagi: Ang forestland at agricultural land.

Sa ilalim ng proklamasyon, ang ibang 40 na porsiyento ng 1,028 hektaryang isla ay itinuring na forestland habang ang 60 porsiyento ay siasabing agricultural land.

Dekada na ang nakaraan simula ng mag umpisang umunlad ang isla, subalit, nakikitaan na napapalitan ng mga establishments ang mga taniman sa agricultural land, sabi ng opisyal ng DAR , na ibinabahagi ang kanilang nalaman sa inspeksyon.

Ang Boracay ay nagsimula na magsara sa mga turista mula noong April 26, dahil ang gobyerno ay nag-utos na magkakaroon ng 6 na buwan na pag-aayos at paglilinis para sa islang sikat dahil sa pinong buhangin pero nitong mga nakaraang taon ay unti-unti nang kumokonti ang mga turista.

Source: ABS-CBN News

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting