Select Page

Grabe, isang lalaking estudyante na natutulog sa bangketa, nanakawan ng cellphone! Alamin ang buong kwento!

Sa panahon ngayon kahit saan ka magpunta, wala nang ligtas na lugar ngayon. Mahirap na magtiwala at hindi ka rin puwede malingat. Kasi pag nalingat ka lang, may mawawala na agad na gamit sayo. Tulad nalang ng kwentong ito.

Sa Sampaloc, Maynila, nakuhanan sa CCTV ang pagtangay ng isang lalaking salarin sa cellphone ng sinasabing lasing na estudyanteng nakatulog sa bangketa. 

Ang mga lalaking natutulog na ito sa bangketa ay hindi mga palaboy. Sila ay mga estudyante ngunit inabutan ng antok sa kalsada dala ng kalasingan kaya doon na sila  

Ayon sa kuha, makikitang nakatulog ang grupo ng mga lalaking estudyante sa bangketa sa labas ng isang convenience store sa may España Boulevard.

Makikita sa ibang anggulo ng CCTV ang pagtigil ng isang motor at pagbaba ng angkas, na lumapit sa mga natutulog na mga estudyanteng lalaki.

Pinakiramdaman muna ng salarin ang mga natutulog. Nang makakuha ng tiyempo agad na kinuha ng salarin ang cellphone ng estudyante.

Sinubukan pang habulin ang salarin ng kasamahan ng ninakawang estudyante pero nakatakas ito sakay ng motorsiklo.

Ayon sa mga tauhan ng barangay, hindi ito ang unang pagkakataong may nabiktimang estudyante bunsod ng kalasingan.

Ipinapayo naman ng police community precinct commander na si  Senior Inspector Ronald Leceta sa ilalim ng Sampaloc police, sa mga estudyante na magkaroon ng disiplina sa pag-inom ng alak.

Dagdag pa ni Leceta, kung labis ang pagkalasing at hindi na kayang umuwi ay maaaring makituloy sa barangay outpost o sa kanilang community precinct.— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Talagang sa panahon ngayon dapat na lagi doble ingat kahit saan ka pumunta. At para naman sa mga kabataan, mag ingat lagi. Huwag hayaang abutin ng hatinggabi sa daan lalo na pag lasing. Marami nang masasamang loob ngayon dahil sa hirap ng buhay. 


Di mo masasabi na kung sino ang mabuti at kung sino ang mga may balak na masama. Dahil sa hirap na rin ng buhay kung ano anong maling gawain ang nagagawa ng iba kumita lang ng pera. Tulad na nga lang nitong pagnanakaw.

Source: ABS-CBN News

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting