Select Page

Grabe! Natusok ang isang babae sa mata ng eyeliner pencil habang naglalagay ng make-up sa isang taxi. Alamin ang buong kwento.

Karamihan sa babae iniisip na ang pinaka-masaklap na pwedeng mangyari sa kanila habang sila ay naglalagay ng make-up sa kanilang mukha habang umaandar ang sasakyan, ay kapag nagagalaw ang kanilang mga kamay kaya ang kinalabasan ay magulo at makalat na make-up.

Sa Bangkok, Thailand, ang emergency service na tagaligtas, ay napatawag sa pinangyarihan ng maliit na aksidenteng ito sa Ratchathewi district kahapon. Isang taksi ang nabangga sa likod ng umaandar na trak, pero habang ang mga aksidente na tulad na ito ay medyo nadadalas at madalang naman dito ang seryosong pinsala. Sa kasong ito, ang pasahero sa likod ng taksi ay nagkaroon ng tusok sa kaliwang mata. Ang mga sumaklolo ay nagbalita na ang babae ay gumagamit ng isang eyeliner nang nangyari ang aksidente, kaya ang pencil o lapis ay tumusok sa kayang mata.



“Ang kanyang mata ay hindi naman dumudugo pero may konting dugo, pero hindi madami, na tumutulo sa kanyang ilong — dahil ang mata at ilong ay konektado sa isa’t isa,” sabi ng volunteer rescuer na si Thanabodee Sabbodi sa Amarin TV. “Siya ay gising ng kami ay dumating at siya ay nakikipag-usap pa.”

Gayunman, ang babae ay nakaranas ng matinding sakit at ang mga rescuers ay kulang sa medical expertise na umasikaso o maghawak ng delikadong sugat, kaya ang babae ay kinailangan dalhin sa malapit na Rajavithi Hospital. Ang mga doktor doon ay nagmamadali na madala ang pasyente sa surgery section at gawing matagumpay ang pagtanggal ng lapis.

Sa kabila ng kalagayan, sinasabi at kinokonsidera pa rin ng babae na siya ay maswerte. Kahit na kalahati ng lapis ang bumaon sa kanyang mata, hindi naman naapektuhan ang kanyang paningin sapagkat ang lapis ay tumusok sa sclera na siyang white part ng mata, kaya hindi ito permanenteng nadisgrasya.

Iniulat ng Coconuts Bangkok, ang babae na hindi na pinangalanan ay kaya nang mabuksan ng dahan-dahan ang kanyang kaliwang mata at inaasahan na siya ay ganap na makakabawi na sa konting panahon na lamang.



Talaga kayang ang paglalagay ng make-up sa sasakyan ay nakakatipid sa oras? Oo siguro, pero ito nga ba ay karapat-dapat na gawin pero kapalit naman ay ang pagtusok ng lapis sa mata?

Sa mga babaeng mahilig maglagay ng make-up sa sasakyan dahil kulang na sila sa oras, lagi lang dapat mag-iingat. Hindi natin alam na sa simpleng paglalagay pala natin sa mata ng kolorete ay magdudulot ng ganitong aksidente tulad sa kwento ng babaeng ito.



About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting