Select Page

Ina, binago ang pangalan ng anak matapos mamali sa spelling ang tattoo artist sa kanyang braso!

Ina, binago ang pangalan ng anak matapos mamali sa spelling ang tattoo artist sa kanyang braso!

Ang Swedish na ina ng dalawang batang lalaki ay nagpalagay ng permanenteng tinta sa katawan ngunit ang tattoo artist o mambabatok ay namali sa spelling ng pangalan ng kanyang anak. Naisip ng ina na Swedish na hamak na mas hindi masakit kung ipapabago nalang niya ng legal ang pangalan ng kanyang anak ayon sa pagkakasulat ng pangalan bilang tattoo kumpara sa pagdadaanan na sakit sa pagpapatanggal ng tattoo ng maraming sesyon. 

Ang labing tatlong taong gulang na si Johanna Giselhäll Sandström ng  Kyrkhult, Sweden, ay nais ipakita ang kanyang debosyon sa kanyang dalawang anak na si Nova at si Kevin sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo sa kanyang braso ng pangalan ng mga ito. Bumisita siya sa isang lokal na tattoo shop at sinabi sa isa sa mga mambabatok doon kung ano ang gusto niya mangyari at ibinigay din niya ang pangalan ng kanyang mga anak. Hindi tinanong ng tattoo artist  ang spelling, sa halip, inumpisahan na nito ang pagtitinta sa kanyang braso. Walang napansin na kahit anong kakaiba ang ginang noong umpisa, pero nang makauwi na siya at tiningnan niya ng malapitan ito, bumagsak ang kanyang puso. Sa halip na ‘Kevin’, naisulat ng artist ay ‘Kelvin’.

Ayon sa ina sa panayam niya sa pahayagan ng Blekinge Lans Tidning, sinabi niya na gusto niyang ipalagay ang pangalan ng kanyang mga anak at ibinigay niya ang pangalan ng mga ito sa mambabatok. Nag-umpisa na ang artist sa pag-guhit at hindi ito nagtanong tungkol sa spelling man lang kaya di na niya ito inisipan ng kung ano.

Sabi ni Sandström, bumalik siya agad sa tattoo shop pagkatapos niya makita ang maling spelling. Ngunit, ang mambabatok ay natawa lamang. Sinabi nito na wala na siyang ibang magagawa kung hindi ibalik ang pinambayad niya sa pagpapatinta. Ang magagawa na lamang niya ay umuwi at manaliksik ng mga paraan kung paano niya maaayos o matatanggal ang tattoo.

Pagkatapos niya mapagtanto na ang tanging solusyon lang ay ang sesyon ng laser removal at surgery, napagdesisyunan ni Johanna at ng kanyang asawa na mas makakabuti kung babaguhin nalang nila ang pangalan ng kanilang anak. Sa kabutihang palad mas gusto pa nga nila ang pangalang ‘Kelvin’.

Hindi pa daw niya naririnig ang pangalang ‘Kelvin’ kailanman, sabi ng ina. Sa lugar daw nila wala pang nagpapangalan ng ‘Kelvin’ sa kanilang mga anak. Kaya sa tuwing naiisip niya ang tungkol dito, napapagtanto niya na kakaiba ito. At mas maganda ito kaysa sa ‘Kevin’.

Ang kanyang lalaking anak ay dalawang taong gulang pa lamang kaya hindi daw ito nakakaapekto pa sa kanyang anak. Ngayon na napapag-isipan na ni Johanna sundan ang kanyang dalwang anak, naisip niya na ‘Freja’ ang ipapangalan niya dito. Sabi niya na mas mag-iingat na siya sa spelling kumpara noong una. Isusulat na daw niya ito sa isang papel at sisiyasatin niya mabuti ng isang libong beses bago niya ibigay sa mambabatok, dagdag niya.

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting