Select Page

Ina na kahit nawalan ng paningin, hinahatid pa rin ang anak na may Down syndrome sa eskuwelahan araw-araw!

(c) ABS-CBN News

Napakasarap sa pakiramdam ng may isang nanay na laging andiyan para sayo. Lahat tayo ay ay may nanay pero di lahat ay nagagampanan ang papel na ito. Maraming paraan kung paano naipapakita ng ating mga nanay ang pagmamahal sa atin. Narito ang kwento ng isang nanay, na nawalan ng paningin, na wagas ang pagmamahal sa kanyang anak.

Madami na ang mga plato, baso, at tasang nabasag niya habang nasa kusina. Madalas din siyang nagkakasugat, bukol at pasa dahil sa pagkakabangga sa pader at pintuan. 

Ayon kay Aling Elsa Badilla, 55 na taong gulang, nakatira sa Caloocan City, hindi niya makita ang mga hinahawakan niya. Hindi daw niya talaga matanggap noong una. Pero dahil nga sa kanyang mga anak, lumalaban siya

Nagsimula siyang magkaroon ng Glaucoma sa kaniyang kanang mata noong taong 2011. Ang mga sintomas nito ay paglabo ng mata. Dahil rin sa hindi napapatingnan sa doktor, nahawa na pati ang kanyang kaliwang mata. At dahil sa kakulangan sa pera, mas inuuna nalang niya ang pambili ng kanilang pagkain at nagtatabi rin siya para sa eskuwela ng kaniyang mga anak.

“May pera ako noong panahon na iyon, pero hindi ko naman alam kung sino ang uunahin ko — ang sarili ko o ang mga anak ko? Siyempre, pinabayaan ko muna ang sarili ko. Mas inuna ko ‘yong dalawa, kasi saan ako kukuha ng pagkain nila?” sabi ni Badilla. 

Si Aling Elsa ay tuluyan na nga nabulag. Sanay man sa dilim si Badilla dahil madalas silang walang kuryente sa gabi, kakaibang dilim pa rin daw ang dala ng pagkabulag. 

Taong 2004 ng isilang ni Badilla si Sarah ngunit hiwalay na siya noon sa kanyang asawa. Laking pagpapasalamat niya dahil kay 40 anyos na siya ay nakapagsilang pa siya. Nasundan na ang kanyang panganay na si Jan-jan.

(c) ABS-CBN News

Si Sarah ay malusog naman daw tulad ng kuya nito na si Jan-jan. Para kay Aling Elsa normal naman itong si Sarah na maliit kamay, at makinis.

“Naantig ako noong unang beses ko siyang makita. Talagang masaya! Ewan ko, hindi ko maipaliwanag,” ani Badilla.

Agad napansin ng midwife na may kakaiba kay Sarah, kahit na perpekto ito sa kanyang paningin. May “DS” daw o Down syndrome ang sanggol. 

Hindi raw agad naintindihan ni Badilla ang ibig sabihin ng midwife. Hindi rin niya alintana kung ano man ang kalagayan ng anak. Basta’t sa mga oras na iyon, ang mahalaga lamang sa kanya ay nasilayan niya sa unang pagkakataon ang kanyang bunso.

“Ang sabi nila, special child daw. Pero okay lang sa akin kahit special child siya. Masaya ako, kahit ano pa man siya, kasi anak ko siya e,” ani Badilla.

Sa murang edad, nakakitaan ni Badilla si Sarah ng determinasiyong matuto. “Napansin kong mahilig siyang magsulat-sulat, mag-aral. Hanggang sa nag-decide siyang gusto niyang mag-aral.”

Mula noon, lagi nang hinahatid at sinusundo ni Badilla si Sarah araw-araw kapag pumapasok ito sa eskuwela. Ito raw ang kanyang simpleng paraan para ipakita ang suporta sa anak, hindi man niya ito mabigyan ng magagarang gamit. 

Parang nawalan na ng pag asa si Aling Elsa ng siya ay mabulag pero dahil sa kanyang dalwang anak ay nilalakasan at tinatatagan niya ang kanyang loob. Ayon sa kaniya “Kung hindi ko lalakasan ang loob ko, paano ang mga anak ko? Paano na lang ang buhay nila lalo na itong bunso ko?” 

Sila ngayon nina Jan-Jan at Sarah ay tulong-tulong para itaguyod ang pamilya nila. Habang nag-aaral si Sarah, nasa construction si Jan-Jan, na nagpe-pedicab driver din sa gabi. 

Ayon kay Aling Elsa, si Sarah na ngayon ang umaakay sa kaniya saan man siya magpunta. 

Pareho man ang mag-ina na may kapansanan di daw ito alintana para magpursigi sa buhay. 

(c) ABS-CBN News

Kahit hindi nakakapagsalita si Sarah, malaki na rin raw ang ipinagbago ng bata magmula nang pumasok ito sa eskuwela, ayon sa kanyang guro. Kaya desidido si Badilla na suportahan ang pag-aaral ng anak. 

“Gusto kong makapag-aral siya (si Sarah). Matuto siyang magsulat o kaya marami siyang matutuhan. Gusto ko siyang maging matatag para kung mawala man ako, matuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa,” aniya. 

Talagang nakakabilib ang pagmamahal ng ina sa kaniyang anak. Wala itong katumbas kahit sa kung ano pa man.


Editor’s note: Unang lumabas ang kuwento ni Elsa Badilla sa Mission Possible nitong Marso 2018. Muli siyang binisita ng ABS-CBN sa okasyon ng buwan ng pag-alala sa mga ina ngayong Mayo.

Source: ABS-CBN News

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting