Select Page

Isang Lalaki Na Pinapangarap Maging Isang Clown Ay Nagpalagay Ng Tattoo At Silicone Implant Sa Mukha Para Matupad Ito

Si Richie na barbero ay matagal na pinapangarap na maging isang clown, ngunit sa halip na maglagay nalang ng simpleng makeup, napagdesisyunan niya na magpalagay ng tattoo sa mukha, ipagupit ang buhok at magpalagay ng silicone implant para maging isang permanenteng clown.

Pinagawa lahat ni Richie na barbero para lang magmukhang isang clown – malaking pulang bibig, pulang ilong, makapal na kilay na mapupula, pagpapakulay ng buhok na tumutubo lang sa gilid ng ulo, kulay asul na mukha, bigote, at ang makulay na damit na isang tagapagtanghal. Bukod sa damit na napapalitan at buhok na normal naman na tumutubo, lahat ay permanente na niya pinagawa.  Ang kanyang bibig at ilong ay nalagyan na ng tattoo, pati na rin ang kanyang mukha na blue at ng mga artwork na naka kolorete sa mukha, at ang makakabilib na kilay ay napaganda sa pamamagitan ng sub-dermal silicone implants. Ngayon, siya ay isa nang permanenteng clown.



Si Richie ay isang barbero ngunit sa kaloob-looban niya gusto niya talaga maging isang clown.  As his name suggests, Richie is a barber, but deep inside he has always been a clown. Mababakas sa kanya ang kanyang pagkahumaling – ang iba ay masasabi itong isang obsesyon– sa mga clown sa kanyang pagkabata kung saan nakakita siya sa unang pagkakataon ng isang clown. Sa halip na matakot siya sa mga clown, namangha pa siya sa mga pakulo at magic nito. Naalala pa niya ang sabi sa kanya ng isang clown na sa tuwing siya ay malungkot, magsalamangka lang.

Noong una, ng sinabi ni Richie na gusto niya maging isang clown, akala ng iba ay katuwaan lang iyon, pero sa tuwing ibinabahagi niya ag kanyang pangarap, nakikita niya na wala talagang sumusuporta sa kanya. Kaya naging isa siyang “closet clown” kung tawagin sa loob ng maraming taon, hanggang sa lumipat siya sa Hollywood, kung saan makakamit na niya ang kanyang pangarap.



Bumili siya ng isang unicycle at ginugol niya ang kanyang oras sa pag-aaral kung paano sakyan ito ng walang nasisira, saka siya nag-aral ng salamangka, kasabay nun ang pagpapalagay ng mga tattoo sa kanyang mukha. Ang kanyang obsesyon sa mga clown ang nagpabago sa kanyang buhay, dahil sa tuwing nanliligaw siya, siya ay nababasted dahil sa kanyang istura, pero hindi yun ang nagpahinto sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang permanenteng clown.

Source: https://www.odditycentral.com/

 

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting