Select Page

Isang Lalaki Sumailalim Sa Madaming “Extreme Procedure” Para Magmukha Siyang Isang Bungo o Skull

Isang Lalaki Sumailalim Sa Madaming “Extreme Procedure” Para Magmukha Siyang Isang Bungo o Skull

Ang 22 taong gulang na si Kalaca Skull, na tattoo artist galing Colombia, ay gumagawa ng ingay sa buong South America dahil siya ay sumailalim sa matinding surgical procedure para gawing kamukha ng isang bungo o skull ang kanyang mukha.

Si Born Eric Yeiner Hincapié Ramírez, ang batang tattoo artist ay umamin na siya ay namamangha sa mga bungo simula pa ng bata siya, pero nagsimula lang siyang gawing parang isang bungo ang kanyang mukha pagkamatay ng kanyang nanay, dalawang taon na ang nakalilipas, dahil hindi sang-ayon ang kanyang ina dito. Una, ang ibabang bahagi ng kanyang ilong ay tinanggal dahil ang mga bungo o skull ay walang ilong. Wala din mga tainga ang mga bungo kaya pati ang kanyang earlobe ay tinanggal rin.

Pero hindi pa doon natatapos ang kanyang transpormasyon. Pagkatapos niyang ipahati ang kanyang dila at ipa-tattoo ito ng hindi na natural na kulay blue-grey, nagkaroon din siya ng malaking itim sa bilog na pinatattoo sa gilid ng mata, pati na rin ang pagkakaroon ng malaking ngipin at kahit ang mga guwang sa pagitan ng panga ng ng ngala-ngala ay ginawa niyang tattoo.



Si Kalaca Skull ang kauna-unahang tao sa Colombia na nag-presinta na magpatanggal ng ilong at tainga. Ito ang desisyon na umagawa sa pansin ng media pati na rin ang panghuhusga ng maraming tao. Karamihan ay hindi makapaniwala na mayroon isang tao na gugustuhing magpatanggal ng ilong at tainga, pero ang 22 taong gulang na ito ay hindi na humihingi ng pag-intindi, ang gusto lang niya ay ang pag tanggap sa kanyang hiling.



“Ang pagbago sa katawan ay isang personal na desisyon na hindi dapat husgahan,” Sabi ni Kalaca Skull kay Rio Noticias. “Ito ay para lang panghuhusga sa isang babae na nagpadagdag ng dede or kaya ang paglalagay ng puwet.”

Sa kabila ng panghuhusga na natatanggap niya online, ang mga plano ni Kalaca Skull na ipatuloy ang kanyang mga procedure ay tuloy pa rin at balak niya itong tapusin. Tinatawag niyang “A dream come true” ang kanyang transpormasyon.

 

Source: http://www.odditycentral.com

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting