Select Page

Janine Berdin, ang grand champion sa Tawag ng Tanghalan Season 2, ibinahagi ang plano pagkatapos ng pagkapanalo




Sa kabila ng tagumpay, ipagpapatuloy ni Janine Berdin, grand champion ng season 2 ng “Tawag ng Tanghalan,” ang kanyang pag-aaral.

Ibinahagi ni Janine ang planong lumipat sa Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral at pag-awit. Sinabi niya ito sa “Magandang Buhay” nitong Lunes.

Ayon kay Janine. “Siyempre po hindi ko po papabayaan ang studies ko at plano ko pa rin po na ituloy. Incoming Grade 11 student po kasi ako. Ipagpapatuloy ko po dito sa Maynila, magta-transfer po ako.”

“Siguro po iba-balance ko po kasi both po important sa akin,” sagot naman ni Janine sa tanong kung ano na ang kanyang prayoridad.



Noong nakaraang limang taon nagsimula ang hilig sa pag-awit ni Janine na suportado ng kanyang mga magulang na sina Jose at Salem Berdin na kasama ring bumisita sa “Magandang Buhay.”

Aminado ang ina ni Janine na may pagkakataong sinabihan ang anak na huwag na sumali sa auditions dahil sa naapektuhan siya sa mga hindi magagandang naririnig tungkol sa anak bago ang tagumpay sa “Tawag ng Tanghalan.”

“Tuwing makarinig ako ng negative comments ay naiiyak ako. Naaawa ako at saka pagalitan ko siya minsan. Sabi ko huwag ka na ngang mag-audition, huwag ka nang kumanta kasi ako ang naapektuhan kapag iiyak siya,” kuwento ni mommy Salem.

Samantala, naging emosyonal naman si Janine sa sulat ng kanyang Lolo Rey, asawa ng kanyang Lola Odet na isa sa dahilan kung bakit siya sumali sa “Tawag ng Tanghalan.”

Sabi ni Janine sa salitang Bisaya, “I hope Lo and La na proud kayo sa akin and matutulungan ko na kayo. Thank you sa inyong efforts na ginawa ninyo para sa akin ever since bata ako. Sana ay mabalik ko lahat ng efforts niyo sa akin.”

Nagpatuloy naman ang pagiging emosyonal ni Janine, sa naging mensahe ng kanyang ina at ama.

Para sa mga magulang ni Janine, gusto lang nila na ipagpatuloy ng anak ang maganda nitong ginagawa lalo na ang kanyang pag-aaral.

Pasasalamat naman ang ibinigay ni Janine para sa pagmamahal at suporta ng kanyang mga magulang.

“Gusto ko lang mag-thank you sa inyo Ma, Pa, dahil alam ko hindi ako perfect na anak. And marami akong maling nagawa sa inyo. Gusto kong sabihin sa inyo na lahat ng ginagawa ko ay para maging proud kayo. Thank you sa inyo. I love you,” ani Janine habang walang patid sa pagluha.


Source: ABS-CBN News

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting