Select Page

Kapag Sumasakit Ang Ulo, Dapat Na Nga Ba Agad Ipatingin Sa Doctor?

Dapat bang agad mag pa check up kapag sumakit ang ulo mo?

Ayon kay Dr. Willie, ang sakit ng ulo ang madalas na reklamo ng mga pasyente sa kanilang doktor. Ang ilan sa kanila ay na ngangamba na kung ano nga ba ang sanhi nito. Karamahinan ng sakit ng ulo ay hindi delikado.

Anu-ano nga ba ang dahilan ng pag sakit ng ulo?

1. Kung ang pag sakit ng ulo mo ay sumasabay sa pagbasa ng diyaryo o pagtrabaho sa harap ng computer, maaring may diperensya na ang inyong mga mata. Mag punta sa inyong optometris o ophthalmologist upang matignan at magawaan ng salamit ang inyong mga mata.

Image result for headache while reading

 

2. Kung guminhawa ang inyong sakit ng ulo pag katapos kayo mag pamasahe, malamang ay stress o tensyon lang iyan. Kapag tayo ay naii-stress ang ating mga muscles sa ulo ay naninikip. Ang ibig sabihin ay maaring marami kang iniisip, maraming problema at iba pa na nag dudulot ng pag sakit ng ulo.



Image result for massage for headache

 

3. Kung ikaw ay labas pasok sa malamig at mainit ng lugar, maaring ito ang dahilan ng pag sakit ng inyong ulo. Hindi ito masama dahil naninibago lang ang mga ugat natin sa ulo dahil sa pabago bago ng temperatura ng ating kapaligiran.

 

Ang mga nabanggit na sanhi ng sakit ng ulo, mula sa mata, sa pagbago-bago ng temperatura ng kapaligiran at stress ay puwede nang hindi ipa-check ito sa doktor. Maaring uminom nalang muna ng paracetamol o ibuprofen. Mas gentle sa ating sikmura ang paracetamol, ngunit mas mabisa naman ang ibuprofen. Siguradun lamang natin nakumain bago ang pag inom nito upang maiwasan hindi sikmurain.


 

Kailan dapat tayo mag punta sa doktor?

Kapag matindi ang sakit ng ulo, kung may kasamang lagnat, pagsusuka o panghihina, agarang mag punta sa doktor. Kuning din ang blood pressure. Kapag ang resulta ng blood pressure ay mataaas sa 140/90, posible rin na altapresyon na ang dahil ng pag sakit ng ulo.

Image result for worst headache

Ang stroke at brain tumor ang pangunahing sakit sa ulo na binabantayan ng mabuti ng mga doktor. Ang mga sintomas nito ay ang panghihina o pamamanhid ng katawan.

Ang Migraine ay isa ring pangkaraniwang dahilan ng sakit ng ulo. Malalaman mo na magraine ito dahil kalahati lang ng ulo mo ang masakit. Mefenamic acid o aspirin naman ang gamot sa migraine.

Image result for migraine

Ang mga nabanggit na sakit ay maaraming makatulong sa inyo makapag desisyon kung kayo na nga ba ay dapat na mag punta sa doktor o mag self medication.


 

Source.:
Dr. Willie

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting