Select Page

Kasuy o Cashew: Mga Naitutulong Sa Ating Katawan

KAALAMAN TUNGKOL SA KASUY BILANG HALAMANG GAMOT

Ano nga ba ang Kasuy o Cashew?

Scientific name: Anacardium occidentale Linn.; Anacardium microcarpum Ducke; Cassuvium pomiferum Lam.

Common name: Kasuy (Tagalog); Cashew (Ingles)

Ang kasuy ay kilalang tanim dahil sa buto nito na tila mani at paboritong kainin ng mga Pilipino. Ito ay may puno na may katamtamang taas lamang at namumunga ng mamulamula o madilaw. Ang kilalang katangian ng halamang ito ay ang pag-usbong ng buto sa labas ng bunga. Tumutubo ito sa kahit saang lugar sa Pilipinas at mga bansang nasa rehiyong tropiko.

 

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KASUY?

1. Pananakit ng ngipin.

Ipinangmumumog ang pinaglagaan ng balat ng kahoy at dahon ng kasuy upang mabawasan ang pananakit ng ngipin.

 

2. Sore throat.

Ang pananakit ng lalamunan ay maaari ding maibsan sa pamamagitan ng pagmumumog sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasuy.

 

3. Pagtatae at disinterya.

Pinakukuluan ang bunga ng kasuy sa tubig na hinaluan ng asukal upang maibsan ang pagtatae. Maaari din gamitin ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasuy.

 

4. Diabetes.

Ginagamit sa kondisyon ng diabetes ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasuy. Ito ay pinaiinom sa taong dumadanas ng sakit.

 

5. Scurvy.

Makatutulong naman ang pagkain sa bunga ng kasuy para agad na gumaling sa sakit na scurvy o eskurbuto.

 

6. Psoriasis.

Ginagamitan naman ng langis ang balat ng apektado ng psoriasis.

 

7. Problema sa pag-ihi.

Ang pag-inom sa katas ng bunga ay makatutulong naman sa problema sa pag-ihi

 

8. Rayuma.

Nakatutulong din sa pananakit ng mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasuy.

 

Source: http://kalusugan.ph/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting