Select Page

Magandang Epekto sa Kalusugan ng Pagkain ng Okra

Ang Okra “Abelmoschus Esculentus” ay isang gulay na may katamtamang taas, may malalapad na dahon at bulaklak na kulay dilaw na karaniwang itinatanim sa lugar na may katamtamang lamig. Ito ay karaniwang tinatawag na Bhindi o Ladies’ Fingers.

Ang okra ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral tulad ng bitamina A, B, C, E at K, mayroon din itong calcium, iron, zinc, fiber, magnesium at potassium. Ang mga benepisyo nito ay nakukuha dahil sa taglay nitong mga bitamina at mineral.

 

Narito Ang Limang Benepisyo Ng Okra Sa Ating Kalusugan:

  1. Nakakatulong magpalinaw ng ating mga mata.

Ang okra ay nagtataglay ng bitamina A at antioxidants tulad ng xanthein, lutein at beta carotenes na lumalaban sa mga free radicals na siyang sumisira sa ating metabolismo at sa ating paningin. Ang pagkain ng okra ay nakakatulong maiwasan at malabanan ang sakit na macular degeneration at katarata sa ating mga mata.

 

2. Nakakatulong mapababa ng presyon ng ating dugo.

Ang okra ay nagtataglay ng potassium o potasa na may malaking naitutulong sa ating kalusugan. Ang potasa ay nagbabalanse o nagkokontrol sa sodium para mapanatili niya ang kaayusan sa kalusugan ng ating katawan.

Nakakatulong din itong mapanatili ng maayos na pagdaloy ng ating mga dugo sa mga ugat lalo na sa ugat papunta sa puso. Tinutulungan niya ang ating mga dugo na dumaloy ng maayos at hindi bumara sa mga ugat na pwedeng magdulot ng sakit.

 

3. Nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain.

Ang okra ay may Mucilaginous fiber na siyang tumutulong sa mabilis na pagtunaw ng mga kinakain natin. Nakakatulong din ito sa regularidad¬† na pagdudumi natin para maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit tulad ng hirap sa pagdumi o constipation at diarrhea o pagtatae.

 

4. Nagpapaganda ng kutis.

Ang bitamina A na taglay ng okra ang nagpoprotekta sa kalusugan ng ating balat at ito rin ang nagdudulot ng mabilis na paggaling ng mga sugat, pagkawala ng mga marka at maiwasan ang pagkulubot ng balat.

 

5. Nakakapagpalakas ng ating immune system.

Ang bitamina C na taglay ng okra ang nagpapatibay at nagpapalakas ng ating resistensya o ang siyang tagapagtanggol at tagalaban sa ano mang sakit na pwedeng dumapo sa ating katawan.

Ang bitamina C din ang nagpapadami ng mga blood cells na siyang lumalaban sa mga pathogens na siyang nagpapahina sa ating immune system.



 

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting