Select Page

Magandang Naidudulot Ng Abokado Sa Katawan

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG ABUKADO?

Ayon sa mga pag-aaral at nakagawian ng ilan, ang ilan sa mga sakit na maaaring malunasan sa pamamagitan ng paggamit sa halamang abukado, ay ang sumusunod:

1. Pagkokombulsyon

May ilang mga pag-aaral na nagsasabing makatutulong ang katas ng dahon ng abukado bilang pangontra sa pagkokombulsyon at panginginig ng mga kalamnan sa mga bata.

 

2. Pagbaba ng asukal sa katawan (hypoglycemia)

Ang katas ng dahon ng abukado ay maaari ring makatulong sa pagkontrol ng lebel ng asukal sa katawan.

 

3. Altapresyon

Ang mga katas ng dahon at buto ng abukado ay maaring inumin upang pabagsakin ang mataas na presyon ng dugo.

 

4. Mga tumor

Ang pagkakaroon ng mga tumor sa katawan ay maaari rin daw mapaliit o mabawasan sa tulong ng mga substansya na makukuha sa hilaw na bunga ng abukado.

 

5. Impeksyon ng bacteria

Ang ilang mga sakit na dulot ng impeksyon ng bacteria sa katawan, gaya ng tuberculosis, ay maaaring mapagaling ng tuloy-tuloy na pag-inom ng katas ng dahon ng abukado.

 

6. Impeksyon ng fungi

Ang mga katas din ng dahon at balat ng kahoy ng abukado ay ginagamit na gamot laban sa ilang mga sakit na dulot ng impeksyon ng fungi. Maaari itong inumin o kaya ay ipahid mismo sa bahagi na apektado ng sakit.

 

7. Mga sugat

Ang kangis na nakukuha mula sa bunga ng abukado ay maaaring ipahid sa sugat upang mas mapabilis ang paghilom nito. Tumutulong din ang langis ng abukado para maiwasan ang pamamaga ng sugat.

 

8. Ulcer sa sikmura

Pinapababa ng pag-inom ng katas ng dahon ng abukado ang produksyon ng mga asido at likido sa sikmura upang mas mapabilis ang paghilom ng ulcer dito.

 

9. Pananakit ng ngipin

Maaring gamitin ang katas ng buto upang ipangmumog nang mawala ang pananakit ng ngipin. Maaari ring isiksik ang maliit na piraso ng buto sa butas sa ngipin upang mabawasan ang pananakit.

 

10. Sakit sa atay at bato

Ang katas ng dahon ay sinasabing may mabuting epekto sa paggaling ng mga karamdaman na nakaaapekto sa laman ng atay at bato.

 

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Source: http://kalusugan.ph/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting