Select Page

Man Gets Banned by All-You-Can-Eat Restaurant for Eating Too Much

Isang Ironman triathlete galing Germany na si Jaroslav Bobrowski, ay kamakailan ay na bawalan na sa isang  all-you-can-eat sushi restaurant dahil sa pagkain ng humigi’t kumalang 100 platong pagkain, na bagay na ikinukunsidera ng may-ari na hindi normal at masama para sa kanyang negosyo.


Itong 30 taong gulang na si Bobrowski ay nagtatrabaho bilang isang software engineer, pero siya rin ay nagti-train para sa Ironman triathlons at siya ay nasa isang espesyal na pagdidiyeta kung saan hindi siya kumakain sa loob ng 20 oras sa isang araw at pagkatapos ng mga oras na iyon kakain na siya hanggang siya ay mapuno o mabusog. Noong nakaraang linggo, si Bobrowski at ang kanyang girlfriend ay nagpunta sa Running Sushi all-you-can-eat restaurant sa Landshut, Bavaria, kung saan nagbayad siya sa fixed na halaga na €15.90 at ginugol niya ang isang oras at kalahati sa pagkain ng mga isang daang plato ng sushi. Sa isang banda, bigla nalang itinigil ng mga waiter ang pagkuha ng mga plato sa kanyang lamesa, at ang bodybuilder na si Bobrowski ay nasabihan na hindi na siya maaaring kumain pa muli sa nasabing restaurant.



Si Jaroslav Bobrowski ay naging isang regular na customer ng Running Sushi, at parehong ang mga staff at ang may-ari ay alam na siya ay may malakas na appetite, pero nitong huli lamang nila napagdesisyunan na pagbawalan na si Bobrowski na kumain sa restaurant dahil na rin sa kanyang huling bisita kung saan siya pinaka nakaraming kain. Tila ang isang karaniwang tao ay nakakakain ng humigi’t kumulang 20-25 na plato ng sushi, kaya ang kanyang 100 plato ng sushi na kanyang pagkain ay hindi maganda sa negosyo.

“Ang ginoo ay ilang beses nang napunta dito, at napansin namin na kaya niyang kumain hanggang 100 plato ng sushi, na hindi normal.” sabi ng empleyado ng Running Sushi sa the Donaukurier newspaper.  “Ayaw na ayaw namin na nagpapalis ng mga customer ngunit minsan talaga kasi ay wala na kaming maibigay na sushi sa mga ibang guests kaya nahihiya kami. Kaya kami ay humihingi din ng paumanhin.”



Ang Ironman triathlete na ito ay talagang nagulat sa desisyon ng restaurant at talagang nasabi pa niya ang kanyang saloobin sa google kung saan mataas ang reviews ng Running Sushi. Nang makita ito ng may-ari ang kanyang reklamo, agad-agad na nagpaliwanag ito.

“Dear Mr. Jaroslav, kami ay humihingi ng paumanin na kinailangan ka namin pagbawalan na sa aming restaurant.” Pero siya ay kinicongratulate ng mga kaibigan sa kanyang achievement sa kanyang pagkain ng 100 plato ng sushi. Kaya nga lang ang pagiging banned sa isang eat-all-you-can restaurant dahil sa pagkain ng sobrang dami ay hindi kaya ng ibang gawin.

Source: https://www.odditycentral.com/

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting