Select Page

Mga Benepisyo Ng Pagkain Ng Isda Sa Ating Katawan

Mga Benepisyo Ng  Pagkain Ng Isda

Alam ba ninyo na maraming benepisyo ang pagkain ng isda? Ang isda ay mababa sa calories at sa kolesterol. Maraming protina, bitamina at minerals ang isda kumpara sa karneng baboy at baka. Bukod dito, punong-puno pa ng omega-3 fatty acids ang isda, lalo na ang sardinas, mackerel, tilapia at salmon.

Ang pagkain ng isda ay makatutulong sa pag-iwas at pagpapagaling ng maraming sakit tulad ng:

1. Asthma o hika

Ang mga batang mahilig sa isda ay mas hindi hinihika.

2. Para sa utak at mata

Ang isda ay sagana sa o acids na mabuti sa ating utak at retina (likod ng mata).

3. Kanser

May tulong ang omega-3 fatty acids sa pag-iwas sa maraming kanser tulad ng kanser sa suso, obaryo, prostate, bibig at lalamunan.

4. Sakit sa puso

Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng isda ng 3 beses sa isang linggo ay nakababawas sa sakit sa puso, pagbabara ng ugat, abnormal na pagtibok ng puso at mataas na kolesterol. Ang isda ay talagang para sa puso.

5. Pagkauliyanin o dementia

Para huwag magkaroon ng Alzheimer’s disease, kumain ng isda. Kung gustong tumalino ang mga bata, kumain din ng isda.

6. Pagkalungkot

Ang mga mahilig kumain ng isda ay mas hindi nade-depressed, dahil din sa napakasustansyang omega-3 fatty acids.

7. Diabetes

Mas nako-kontrol ang blood sugar ng mga diabetic kapag isda ang kakainin nila. Ipalit ang masustansyang taba ng isda sa masamang taba ng baboy at baka.

8. Arthritis at psoriasis

Nakababawas ng sintomas ng arthritis ang regular na pagkain ng isda.

LIKE if you LIKE fish.
SHARE to encourage others to eat fish.

Benepisyo Ng Isda
By Dr. Willie T. Ong

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting