Select Page

Mga Benepisyo Ng Wastong Pagtulog At Mga Tips Para Mapahimbing

Benepisyo ng Wastong Pagtulog

Ilang oras na tulog nga ba ang kailangan ng isang tao? Iba-iba ang pangangailangan ng tao base sa edad, lebel ng kalusugan at lifestyle. Wala pang research ang makapagkumpirma kung ilang oras talaga kailangan ng isang tao. Ngunit ayon sa National Sleep Foundation, ang mga eksperto ay sumasangayon sa sumusunod:

  • kapapanganak na sanggol hanggang 2 buwan  = 12-18 oras na tulog
  • 3-11 buwan = 14-15 oras na tulog
  •  1-3 taon = 12-14 oras na tulog
  •  3-5 taon = 11-13 oras ng tulog
  • 5-10 taon = 10-11 oras na tulog
  • 10-17 taon = 8.5-9.25 oras na tulog
  •  18-pataas = 7-9 oras na tulog
    
    
    
    

 

Ayon sa mga eksperto, ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan kung bakit ang pagtulog ng sapat ay nakabubuti:

1. Immune System

Ang pagtulog ng sapat ay tumutulong na mag-repair ng ating mga katawan sa pamamagitan ng pagbuo ng ekstrang body molecules habang tayo’y namamahinga na siya namang tumutulong palakasin ang kapasidad nating lumaban sa impeksyon at manatiling malusog. Pinapalakas nito ang depensa ng katawan kapag tayo ay labis na pagod o kung tuwing tayo ay nadadapuan ng masamang elemento ng polusyon o nakakahawang bacteria.

2. Heart

Ang sapat na tulog ay tumutulong panatilihing malusog ang  ating mga puso na madalas na under pressure. Ang pagtulog ng wasto ay tumutulong bawasan ang lebel ng stress at pamamaga sa katawan na konektado sa sakit ng puso at stroke. Nakakatulong din ang pagtulog sa pagkamit ng mainam na lebel ng blood pressure at cholesterol.

3. Memory / Brain Function

Benepisyo ng wastong pagtulog ay ang pagtulong nito sa pag-improve ng memorya. Marahil lahat tayo ay nakaranas na ng pagpalya ng ating mga memorya kung tayo ay kulang sa tulog. Kaakibat nito ang nararanasang hirap sa pagalala ng mga impormasyon, petsa, o mga napag-usapan. Ito ay maiiwasan kapag tayo ay natulog ng maayos sapagkat sa pamamagitan nito nabibigyan natin ng pagkakataon ang utak na magproseso ng mga bagong karanasan at  impormasyon hango sa ating pakikisalamuha, pagbabasa o panonood at pag-obserba sa araw-araw.


4. Weight

Ang dahilan ay ang kainaman ng tamang pamamahinga sa pagkamit ng tamang timbang, sapagka’t ang pagtulog daw ay nagreregulate ng mga hormones na nakakaapekto at nagkokontrol ng appetite. Naipakita ng pananaliksik na pag kulang ang tulog, ang balanse ng hormones sa katawan ay apektado kaya’t tumataas ang paghangad na kumain ng isang tao. Ang kasamaan nito ay ang paghangad na kumain ay hindi para sa masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas kundi sa mga pagkaing mataas sa calories, fats at carbohydrates.

5. Diabetes

Ang korelasyon ng kulang sa tulog at pagkakaroon ng type 2 diabetes. Ayon sa pananaliksik ng Harvard Medical School, pinahihina ng katawan ang pagproseso ng glucose kapag kulang sa tulog na siyang magpapataas ng tsansang magkaroon ng type 2 diabetes.

6. Mood

Napagalaman na ang kulang sa tulog ay nagreresulta sa pagiging bugnutin, mainitin ang ulo o pabago-bago ng mood kinabukasan. Naipakita rin na kung ang kakulangan sa pagtulog ay nagiging chronic o pangmatagalang problema, ito ay maaring maging sanhi ng depression o anxiety (pagkabalisa).



 

Tips Upang Makatulog ng Mahimbing

  • iwasang paggamit ng alcohol o paginom nito bilang sleeping aid;
  • pagrerelax ng katawan bago matulog tulad ng pagligo, pagbabasa, meditation o aromatherapy at light stretching;
  • sapat na pageehersisyo sa umaga;
  • pagpapanatiling tahimik, madilim at komportableng kuwarto o tulugan;
  • pagkain ng tama at pagiwas ng pagtulog nang gutom (nakakatulong raw sa pagtulog ang tuna, saging, patatas, avocado, atbp.);
  • pagiwas sa paninigarilyo;
  • pagiwas sa pag-siesta ng matagal
  • iwasan ang pag-iinternet ng labis;
  • pagiwas na katabi ang mga hayop; at,
  • pag-iwas sa panood ng TV habang nakahiga, pagkain habang nasa kama o kaya ang paguusap ng mga maselan o emosyonal na bagay bago matulog.

 

Source: http://www.akoaypilipino.eu/gabay/ang-benepisyo-ng-sapat-na-pagtulog-at-mga-tips-para-sa-mahimbing-na-tulog/

http://www.helpguide.org/life/sleep_tips.htm – http://whyissleepimportant.com/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting