Select Page

Mga Benepisyong Pangkalusugan Na Makukuha Sa Pagkain ng Guyabano

Ano ba ang Guyabano?

Ang Soursop o Guyabano ay isang prutas ng  annona muricata na malalapad ang dahon, namumulaklak, karaniwan na nanggagaling o makikita sa Mexico, Cuba, at Central America. Ang Guyabano ay mayroon sin sa iba pang tropikal na parte ng Africa, lalong-lalo na sa Nigeria at iba pang mga bansa sa SoutheastAsia tulad ng Pilipinas. Ito ay karaniwang tumutubo sa maiinit na lugar.  

Ano ang mga benepisyong pangkalusugan ang makukuha sa GUYABANO?

Narito ang ilan sa mga benepisyo ng Guyabano ayon sa nabanggit sa itaas:  

  1.  Guyabano para sa UTI o urinary tract infection:

                                                     

Ang Guyabano ay karaniwang mayaman sa vitamin C na epektibo sa pag-iwas sa pagkakaroon ng UTI or Urinary Tract Infection. Ang vitamin C ay epektibo sa pagpapataas ng acidity ng ihi at epektibo din sa pagtatanggal ng mga bacteria palabas ng katawan. At kilala din ito sa pagpapalakas ng resistensiya.

 

  1. Guyabano para sa problema sa sistemang panunaw o digestive system:

Ito ay sobrang epektibo sa pag-iwas magkaroon ng problema sa pag-dumi at ng iba pang problema sa pagtunaw ng pagkain pati na rin ang mga kondisyon tulad ng mga sakit na may kinalaman sa bituka. Kung sino man ang may mga gustong bumaba ang timbang sa natural na pamamaraan, hindi na nila kailangan uminom ng mga gamot panunaw, gayunman ang Guyabano ay epektibo sa pagpapawala ng hirap sa pagdumi. 

 

  1. Guyabano para sa pulikat o leg cramps:

Ito ay dahil sa presensiya ng potassium na epektibo sa pagtanggal o pag-ibsan ng pulikat at rayuma. Kaya dapat kumain na ng Guyabano at idagdag na ito sa sistema dahil mayaman ito sa potassium na nagpapalakas sa ating katawan. 



 

  1. Guyabano para sa anemia:

Ang Guyabano ay mayaman sa iron na importante para maiwasan ang mga sakit na kaugnay sa dugo tulad ng anemia. Ang anemia ay isang kondisyon kung saan ang tao ay kulang ng healthy red blood cells. Ang isa ay makakakuha ng iron ng natural na paraan sa pagkain ng mga sariwang prutas at gulay.   

 

  1. Guyabano para sa lakas ng katawan:

Ang mga dahon ng guyabano ay epektibo sa pagpapalakas ng katawan. Ang mga ito ay epektibo para sa mga laging nakakaramdam ng pagod o kahinaan. Ang mga dahon ng Guyabano ay kailangan para palakasin ang sistema ng katawan. Ito ay mayaman sa thiamin, potassium at sugar na importante para palakasin ang  sistema.



 

  1. Guyabano para sa impeksiyon sa balat: 

Ang Guyabano ay epektibo sa paggamot sa mga sakit sa balat tulad ng tigyawat, peklat at pamamaga. Ang kailangan lang gawin ay kumuha ng mga dahon ng Guyabano at pigain ito, ilagay ang katas sa mga parte na apektado para magamot. 

 

  1. Guyabano para sa kolesterol:

Ito ay mayaman sa Niacin na importante sa pagpapaganda ng cholesterol level ng katawan. Ito ay importante sa diyeta o diet ng mga matataas ang kolesterol. 

 

  1. Guyabano para sa migraine:

Ito ang pinaka-mabisang prutas at mataas ito sa sugar. Ito ay mayroong Vitamin A na epektibo para maiwasan ang migraine o mga sakit ng ulo.

Source: https://www.medisyskart.com/blog/health-benefits-of-eating-guyabano



About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting