Select Page

Mga grupo ng kabataan sa Palawan ay umano’y sinaniban ng masamang espirito

Isang grupo ng mga batang estudyante sa Palawan ay umano’y sinaniban pagkatapos makakita ng masamang espirito ng isang duguang babae. Labinlimang estudyante ng eskuwelahan ng Palawan ay isinugod sa simbahang katoliko para maitaboy ang masamang espirito na sumanib sa kanila sa gitna ng pagkaklase sa paaralan.

Si Vicente Tamanyo, ang principal ng paaralan ay sinabi sa Dobol B sa News TV na noong una, dalawang esudyante lang ang may kakaibang paggalaw at di mapakali at sinasabing may nakita silang espirito ng duguang babae.

Pero pagkatapos ng ilang sandali, nadagdagan pa ang mga estudyanteng kakaiba ang kilos, kabilang na ang anak na lalaki ng principal. Kaya agad na sumugod sila sa simbahan at humingi ng tulong sa mga pari at para maipagdasal ang mga estudyante.

Sobrang naalarma ang mga magulang, mga guro at mga taga-bantay para sa mga bata na nagsasabi na ang espiritu ay gustong lumapit sa kanila. Nagsasalita din ang mga estudyante ng kakaibang lengguwahe na talagang nagpatakot sa kanila.

Naiulat din na ang mga apektadong bata ay nagtataglay ng sobrang lakas na puwersa habang sinasaniban. Talagang nakakabahala.

At dahil ang mga opisyal ng paaralan at ang mga pari na katoliko ay dapat makuha muna ang permisyon ng mga magulang bago gamitan ng pampakalma ang mga bata, napagdesisyunan nila na pauwiin nalang agad ang mga estudyante.

Nahinto ang klase sa buong paaralan ng araw na iyon para matigil na ang pangyayari na tulad na iyon.

Ayon sa video interview ng Palawan Star sa mga opisyal ng paaralan, mga katulad na insidente din ang nangyayari sa probinsya na iyon madalas. Ano kaya talaga ang dahilan ng mga pangyayaring ito?

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ito ng mga atoridad.

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting