Select Page

Mga Hindi Inaasahang Benepisyo Ng Kamatis (Tomato) Sa Ating Katawan

KAALAMAN TUNGKOL SA KAMATIS BILANG HALAMANG GAMOT

Scientific name: Solanum lycopersicum Linn.; Lycopersicon lycopersicum (L.) H. Karst; Lycopersicon esculentum Mill.

Common name: Kamatis (Tagalog); Tomato (Ingles)

Ang kamatis ay isang karaniwang halaman na tumutubo saan mang parte ng mundo. Ang bunga nito na mapula ay karaniwang ginagamit sa maraming lutuin at putahe ng iba’t ibang kultura. Maliit lamang ang halaman nito at hindi tinutubuan ng matigas na sanga.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KAMATIS?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kamatis ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Makukuhanan ng solanine at fixed oil ang buong halaman ng kamatis.
  • Ang bunga ay may taglay naman na carotene lycopene, na isang mahusay na antioxidant. Ang mapulang kulay ng kamatis ay dahil naman sa lycopene.
  • Bukod pa sa mga ito, ang bunga ay maroong tubig, protina; taba, carbohydrate, fiber, vitamin A, B, C, nicotinic acid, pantothenic acid, Vitamin E, biotin, malic acid, citric acid, oxalic acid, mga mineral gaya ng sodium, potassium, calcium, magnesium, iron, copper, manganese, phosphorus, sulfur, at chlorine
  • Ang mga buto naman ay may taglay na globuline, vitamins A, B, at C, at solanine

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KAMATIS?

1. Hirap sa pagdumi.

Ang pagkain sa bunga ng kamatis o kaya ay pag-inom sa katas nito ay mabisa para sa hirap sa pagdumi.

2. Hika.

Nakatutulong sa kondisyon ng hika ang ang pag-inom sa katas ng kamatis.

3. Problema sa atay.

Ang nanghihinang atay na dulot ng ilang mga kondisyon ay maaring matulungan din ng pag-inom sa katas ng kamatis.

4. Dyspepsia.

Ang pananakit ng tiyan at hirap sa pagtunaw ng kinain na dahil sa dyspepsia ay maaaring maibsan ng pag-inom din ng katas ng kamatis.

5. Impatso.

Kung napapadalas na may problema sa pagtunaw ng pagkain, ang pag-inom sa katas ng kamatis ay makatutulong nang malaki.

6. Hindi ninanais na pamumuo ng dugo.

Ang pamumuo ng dugo na maaaring magdulot ng stroke, atake sa puso at iba pang kondisyon ay maaaaring maagapan ng pagkain ng kamatis.

 

Source: http://kalusugan.ph/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting