Select Page

Mga Magandang Maidudulot Sa Katawan Ng Pagkain Ng Munggo

KAALAMAN TUNGKOL SA MUNGO BILANG HALAMANG GAMOT

Scietific name: Phaseolus aureus Roxb.; Phaseolus mungo Blanco; Phaseolus radiatus Merr.

Common name: Mungo (Tagalog); Mung Bean (Ingles)mungo

Ang mungo ay isang kilalang gulay na madalas kainin ng mga Pilipino lalo na tuwing Biyernes. Ang mga berdeng buto ang siyang karaniwang kinakain na gulay. Maliit lamang ang halaman nito na nababalot ng maliliit na buhok. Ang mga buto ay nakukuha mula sa mala-sitaw na bunga ng halaman. Maaari ding patubuan ng ugat ang mga buto upang maging toge (sprout).

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MUNGO?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang mungo ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang mga buto ng mungo ay mayaman sa carbohydrate at protein. Maaari ding makuhanan ng calcium, iron, vitamins A at B.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

Buto. Ang mga buto ay maaaring ilaga at ipainom bilang sabaw. Ang pinalmbot na buto naman ay maaaring gamitin na pantapal sa ilang kondisyon sa katawan.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG MUNGO?

1. Hirap sa pag-ihi.

Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng mungo para mapanumbalik sa normal ang pag-ihi.

2. Ubo.

Maaaring inumin din ang pinaglagaan ng mungo para malunasan naman ang kondisyon ng pag-uubo.

3. Hirap sa pagdudumi o constipation.

Mabisa para sa kondisyon ng constipation o pagtitibi ang pagkain ng nilagang munggo.

4. Pagpapasuso ng gatas.

Epektibong pamparami ng gatas ng nagpapasusong ina ang pag-inom sa sabaw ng nilagang mungo.

5. Iritasyon sa balat.

Ang iritasyon sa balat na dulot ng paglalagay ng kolorete sa mukha ay maaaring pahiran ng nilaga at dinikdik na buto ng munggo.

 

Source: http://kalusugan.ph/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting