Select Page

Mga Paraan Para Maiwasan Ang Breast Cancer

Ang sakit na breast cancer ay isa sa kinakatakutang sakit dahil talagang papatayin ka nito kapag ikaw ay nagpabaya sa’yong sarili.

Naririto ang walong paraan para mapigilan natin ang pagkakaroon ng breast cancer:

1) Suriin ang timbang. 

Ang pagkakaroon ng healthy weight ay importante para sa ating lahat.Ang pagkakaroon ng overweight ay mataas ang tsansang magkaroon o madapuan ng ibat-ibang klase ng cancer, kasali na rito ang breast cancer lalung-lalo na pagkatapos ng menopause.

 

2) Gumalaw-galaw ka.

 Ang pag-eehersisyo ay ang tinatawag ng ibang tao na silver bullet para sa ating kalusugan.At ang mga babae na physically active kahit 30 minutes lang sa isang araw ay mababawasan ang dahilan na magkaroon ng breast cancer.Ang regular na pag-eehersisyo ang  the best way para hindi madagdagan ang ating timbang. 

 

3) Ugaliing kumain ng prutas at gulay.

 Ang tamang pagda-diet ay makakabawas ng dahilan na magkaroon ng breast cancer.Subukang kumain ng maraming prutas at gulay at kontrolin ang pag-inom ng alak. Kahit kaunti lang iniinom na alak ay mataas ang tsansa mong magkaroon ng breast cancer.

 

4) Huwag maninigarilyo. 

Pinapababa ng paninigarilyo ang quality ng ating buhay at pinapataas nito ang sanhi  ng pagkakaroon ng heart disease,stroke,at cancer. Ito rin ang sanhi ng ng bad breath, pagkakaroon ng pangit na ngipin  at wrinkles.

 

5) Breastfeed,  if possible.

Sa loob lamang ng isang taon ay ,pinapababa nito ang ang tsansang magkaroon ka ng breast cancer.

 

6) Huwag magti-take ng birth control pills.

 Ang mga babaeng nagti-take ng birth control pills ay nagkakaroon ng tsansang magkaroon ng breast cancer. Sa pagti-take mo nito ay maaari ka ring ma-stroke o ma-heart attack.

 

7) Avoid Post-menopausal hormones. 

Ang post menopausal hormones ay hindi dapat tini-take ng pangmatagalan upang makaiwas sa mga grabeng sakit,katulad ng osteoporosis at heart disease.Sa pag aaral, nakita nila na may mixed effect ito sa ating kalusugan.Tumataas kasi ang tsansang magkaroon ng grabeng sakit at bumababa ang resulta para sa ibang sakit. Ang estrogenonly hormones at estrogen-plus-progestin hormones ay pinapataas ang tsansang magkaroon ng breast kaya dapat  panandalian lang ang gamit nito. Kumonsulta sa doctor.

 

8) Tamoxifen at raloxifene ay mapanganib.

 May mga side effects ang gamot na ito kaya kailangan may reseta ang doctor bago ka uminom nito.

Huwag nating pabayaan ang ating sarili para hindi tayo magkaroon ng malalang karamdaman.

 

Source: https://philippineone.com/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting