Select Page

Mga Sakit Na Nagagamot Ng Mani

KAALAMAN TUNGKOL SA MANI BILANG HALAMANG GAMOT

Scientific name: Arachis hypogaea Linn.

Common name: Mani (Tagalog); Peanut (Ingles)

Ang mani ay isa sa mga paboritong kainin, hindi lamang ng mga Pilipino, kundi ng iba pang mga lahi tao sa mundo. Ito ay maliit lamang na halaman na bahagyang nababalot ng maliliit na buhok. Ang dahon ay bilugan habang ang bulaklak ay maliit lamang at kulay dilaw. Ang kinakain na mga buto ay lumalago sa ilalim ng lupa kasama ng mga ugat. Laganap ang pananim na ito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MANI?

Ang iba’t ibang bahagi ng mani ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang mga buto ng mani ay mayaman sa protina at taba. Mayroon din itong carbohydrates, calcium, phosphorus at iron. Makukuhanan din ito ng Vitamin A, B1, B2, niacin, at Vitamin C.
  • Ang langis na makukuha sa mani ay may taglay na glycerides ng palmitic, oleic, stearic, lignoceric, linolic, at arachidic acid.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Langis. Ang langis na nakukuha sa mga buto ay mabisang panlunas sa ilang mga karamdaman. Karaniwang hinahalo ito sa inuming gatas.
  • Buto. Ang mismong buto ng mani maaaring kainin upang makuha ang benepisyo ng halaman.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG MANI?

1. Tulo.

Maaaring gamitin ang langis ng mani na hinalo sa gatas upang ipanglunas sa tulo o gonorrhea. Dapat lamang itong inumin.

2. Hirap sa pag-ihi.

Dapat ding ihalo ang langis sa inumin upang matulungan ang kondsiyon sa pantog.

3. Rayuma.

Maaaring ipahid ang langis ng mani sa mga kasukasuan na nakakaranas ng pananakit.

4. Free Radicals.

May mabuting epekto naman ang pagkain ng mani laban sa mga free radical sa katawan. Ang resveratrol sa mani ay isang malakas na uri ng anti-oxidant.

 

Source: http://kalusugan.ph/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting