Select Page

Mga Solusyon Sa Pawising Kamay O Sweaty Hands

Saan nga ba nakukuha ang pawising kamay (sweaty hands) ? Paano ito masosolusyonan?

 

Ang mga kamay ay maituturing na isa sa parte ng katawan na may pinaka- maraming trabaho. Halos lahat ng gawain sa araw-araw ay nakasalalay sa pagkilos ng kamay. At hindi maikakaila na nakakainis kapag ang mga kamay ay pinapawis.

Sinasabi na hereditary o namamana ang kondisyong ito. Mayroong simula pagkabata pa lamang ay sobra nang pagpawisan ang mga kamay. Mayroon din na nagsisimula itong problemahin habang papasok ang edad ng pagbibinata at pagdadalaga.

Madalas kapag ang isang tao ay nasa gitna ng stressful na sitwasyon, kinakabahan at excited, ang unang nagiging reaksyon nito sa katawan ay pagpawisan, at hindi ligtas dito ang mga palad. Para sa marami, ito ang dahilan ng pamamawis ng kamay. Ngunit may ilang tao na nagtatagalay ng kundisyong tinatawag na hyperhidrosis  o  ang labis labis na pagpapawis. Palmar hyperhidrosis ang tawag kapag ito ay nangyayari sa palad.

Hindi naman delikado ang pagkakaroon ng palmar hyperhidrosis. Sagabal lamang ito sa maraming pagkakataon at kung minsan ay nakasisira sa confidence ng isang tao. Kaya bago pa mangyari na tuluyang mawala ang confidence mo sa sarili, narito ang ilan sa mga maaaring gawin upang ang sobrang pamamawis ng kamay ay matigil.

  1. Pagbababad ng kamay sa tubig na may baking soda.  Gawin lamang ay kumuha ng isang planggana na kasya ang mga kamay. Lagyan ito maligamgam na tubig. Sapat na dami ng tubig ang ilagay upang ang mga kamay ay nakalubog dito. Haluan ng baking soda na halos kasindami ng tubig. Haluin hanggang sa matunaw. Ibabad ang mga kamay sa mixture sa loob ng 25 minuto. Maaari ring pagkuskusin ang mga palad habang nakababad. Pagkalipas ng 25 minuto, alisin sa pagkakababad ang mga kamay, huwag babanlawan, tuyuin lang ng towel. Gawin ito araw-araw hanggang sa ang labis na pamamawis ng kamay ay hindi na maranasan. (Ang baking soda at baking powder ay magkaiba, siguraduhin na baking soda ang gagamitin.)
  2. Pagkuskos ng kamatis. Ikuskos ang katas ng kamatis sa mga kamay. Hayaan itong nakababad ng 30 minuto. Banlawan. Gawin ito araw-araw.
  3. Pagbabad sa tsaa. Magbabad ng 2-3 tea bags sa isang tasang mainit o maligamgam na tubig. Ito ang ipahid sa kamay at hayaang matuyo ng hangin. Maaari rin itong ilagay sa palanggana at ibabad dito ang mga kamay sa loob ng 20-30 minuto. Gawin ito araw-araw sa loob ng isang linggo. 

  4. Pagpahid ng cider vinegar. Dampian ang kamay ng cider vinegar at hayaan lang itong matuyo. Gawin ito 2-3 beses sa maghapon para mapanatiling tuyo ang mga kamay.  
  5. Uminom ng maraming tubig. Napapanatili nito ang malamig na temperatura ng katawan kaya mababawasan ang sobrang pagpapawis.
  6. Paggamit ng Cornstarch. Gamitin ang cornstarch sa kamay bilang pulbo. Maglagay tuwing pinapawis.  

Mga dapat tandaan:

1. Limitahan ang pagkain ng malalangis at maanghang na pagkain, puting sibuyas, bawang, curry, at kape.

2. Kumain ng green leafy vegetables.

3. Mag-exercise lagi upang mabawasan ang stress.

Source: Kalusugan.com

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting