Select Page

Muli nating balikan ang mga kasal ng 9 celebrity couples na ito na talagang nagpakilig sa ating lahat

Muli nating balikan ang siyam na celebrity couples na ito na talagang nagpakilig at umantig sa ating puso sa kasal nila noong taong 2017. Narito sila.

1. Anne Curtis at Erwan Heussaff

Ang kasal ng mag-asawang ito sa New Zealand ang isa sa pinakahihintay ng mga tao noong nakaraang taon at talaga namang di nila tayo binigo. Mula sa “Welcome picnic” na kanilang tawag, pati na rin sa talagang nakakamangha nilang mga kuha sa itaas ng bundok na makikita mo ang kapansin-pansin na tanawin at ang napaka-klarong kulay ng lawa na parang kristal, hanggang sa kanilang pagpapalitan ng vows sa gitna ng forest wonderland. Ang kasal nila Anne at Erwan ang pinaka-kahulugan ng picturesque o parang larawan dahil sa sobrang perpekto.

 

2. Hayden Kho at Vicki Belo

Ito ay talagang matagal nang hinihintay, at ngayon ang kanilang pangarap na magpalitan ng wedding vows sa simbahan sa Paris noong September 2017 ay nangyari na. At talagang pinaghandaan nila ito para maging isang hindi malilimutang pangyayari sa kanilang buhay. Una, inilibre nila ang kanilang mga bisita sa isang welcome dinner aboard sa 70-meter cruise ship na naglalayag sa River Seine. Pagkatapos, nirentahan nila ang grand foyer ng sikat sa siyudad na Palais Garnier. Ang gown na mala-prinsesa ni Belo ay gawa ni Michael Cinco na siyang sikat na fashion designer abroad.

 

3. Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

Ang isa sa mg highlights ng kasal ni Delas Alas ay noong siya ay yumakap sa kanyang panaganay na anak na lalaki, na talagang makikita mo ang kasiyahan niya para sa kanyang ina na susubok na naman muli sa larangan ng pag-ibig para mahanap ang kanyang makakasama habang buhay pagkatapos ng kanyang mga nakaraang sawing relasyon. Pero ngayon, si Ai Ai ay nagagalak dahil ngayon ay ipagdidiwang nila ang kanilang unang pasko bilang Mrs. Sibayan.



 

4. Francis Libiran at Christian Mark Jacobs

“You are my heart, you are my love, and you will be mine forever,” sabi ni Christian sa fashion designer na asawa sa panahon ng kanilang pagdidiwang sa pag-ibig sa Boracay noong nakaraang May.

 

5. Camille Prats at VJ Yambao

Ito ay isang uri ng hapon kung saan marami ang nangangarap na magsimula ng panibagong taon – na napapalibutan ng mga kaibigan at pamilya, nagpapalitan ng mga pangako o wedding vows kasama ang iyong pinakamamahal sa buhay – at ngayon isa na naman bagong yugto sa kanilang relasyon na nag umpisa sa dagat sa California ng di inaasahan. Pero bago pa noon dalawampung taon na nakakaraan noong huli silang magkita.

 

6.  Kean Cipriano at Chynna Ortaleza

Ayon sa nakasanayan na tradisyon, ang lalaki ang una munang lalakad sa gitna o pasilyo ng simbahan bago ang ikakasal na babae, pero hindi sa dalawang ito. Naaalinsunod talaga sa kanilang tema na hindi tradisyonal, sila din ay sumakay sa iisang sasakyan ng sabay papunta sa simbahan at naglakad din ng sabay papunta sa altar. Ito ay dagdag na rin sa kanilang agaw-pansin na suot na kulay itim para sa kanilang motif, mula sa mga bouquet  at centerpieces hanggang sa suot entourage.

 

7. Max Collins at Pancho Magno

“Pancho, I love you. Today is the day I become your forever friend and frenemy,” Sabi ni Max sa kanyang asawa ng sila ay nagpalitan ng vows noong December.



 

8. Teddy Corpuz and Jasmine Corpuz

Hindi ito ang unang beses na kinasal sila, pero hindi ito naging dahilan para mabawasan ang kanilang tapat na pagmamahal sa isa’t isa. Bilang miyembro ng “Magpasikat” na pagganap si Teddy kasama si Vice Ganda at si Jugs  Jugueta, ang rockstar ay nag-propose sa pangalawang pagkakataon sa kanyang asawa at pinakasalan niya ulit ito sa harap ng national television.

“Lagi mong sinasabi sa’kin na never akong nag-propose sa’yo. Kaya nga, sa harap mo at sa harap ng buong mundo, gusto kitang tanungin. Babe, will you marry me again? pahayag ni Teddy.

 

9. Beauty Gonzales at Norman Crisologo

Kahit na ang pinaka-matigas na puso ay matutunaw pagkatapos mong marinig ang palitan ng dalawang ito ng kanilang wedding vows noong nakaraang May sa Tagaytay City,  na nangangako sila na  pararamdam nila sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal habang buhay. “In a time of fast-paced love affairs and cynical romances, you have made me believe that true love still exists in this world,” sabi ni Beauty, bago niya idagdag na “You will never be alone.”

 



About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting