Select Page

Regular na pag inom ng kape, may magandang epekto sa ating puso

Likas sa ating mga pinoy ang uminom ng kape habang kumakain ng mainit at malambot na pandesal tuwing umaga. Lingid sa atin kaalaman ang magandang epekto nito sa atin puso.

Related image

Ayon sa bagong pag-aaral na isinagawa ng mga batang siyentipiko sa bansang Korea. Ang pag inom ng kape araw araw ay nag papabuti ng daloy ng dugo, at pagpapababa ng posibilidad ng pagbabara sa mga ugat.

Ayon pa sa pag susuri, ang mga taong umiinom ng 3 hanggang 5 tasa ng kape bawat araw ay may mas mababang posibilidad ng pagkakaroon

ng baradong coronary artery dulot ng namuong calcium sa loob ng mga ito. Ang coronary arteries ang siyang nagsusuplay ng dugo sa puso, kaya’t ang pagbabara nito ay tiyak na konektado sa pagkakaroon ng mga karamdaman sa puso.

Ang pag-aaaral na ito ay taliwas sa paniniwala noon na ang pagdaragdag ng caffeine sa katawan ay maaaring maka-kontribyut sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Kangbuk Samsung Hospital sa Seoul, South Korea  sa pamumuno ni Dr. Eliseo Guallar kung saan kumalap sila ng impormasyon sa 25,000 na katao na ang edad ay naglalaro sa 41 taong gulang.

 

Image result for 3x a day coffee

Binantayan ang lebel ng calcium sa mga ugat ng mga rumesponde at napag-alaman na ang mga taong umiinom ng 3 hanggang 5 tasa ng kape bawat araw ay mas mababa ng 40 porsyento sa lebel ng calcium kung ikukumpara sa mga taong hindi uminom ng kape.

Image result for coffee study

Bukod sa pag-aaral na ito, mayroon nang mga naunang ulat at pag-aaral na nagsasabi rin na may benepisyong maaaring makuha sa regular na pag-inom ng kape, ngunit sinasabing ang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Guallar at mga kasama niya ang pinakamalaking pag-aaral sa relasyon ng kape at kalusugan ng puso.

 

Sources:

http://kalusugan.ph/balitang-kalusugan-regular-na-pag-inom-ng-kape-makabubuti-sa-puso/

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting