Select Page

Sanggol natagpuan sa basura

Sanggol natagpuan sa basura

Maraming babae ang hindi pa rin binibiyayaan ng anak hanggang ngayon. Ang sanggol nga daw ang nagsisilbing anghel ng pamilya at maraming nagdadasal magkaroon lang ng anak.

May 8, 2018 sa Mandaue, Cebu, may isang sanggol na isinilid sa loob ng isang plastic bag at natagpuan ito  sa Umapad Dumpsite dito sa lungsod.

Si Angelo Entis na residente sa Mandaue ang nakakita sa sanggol. Ayon sa kanya, paparada lang sana siya malapit sa dumpsite nang makita niya na gumagalaw ang isang supot na iniwan sa bukana ng tambakan.

Ayon sa kuwento ni Entis, dahil sa kyuryosidad binuksan ni Entis ang laman ng supot na may kung anong gumagakaw. Siya ay nagulat sa kanyang nakita. Nakita niya na isang batang lalaki ang laman ng nasabing supot.

Pagkakita sa sanggol, agad na dinala niya ang sanggol sa Mandaue City District Hospital para masailalim sa medical check-up ang bata. Para makasigurado na rin siya kung nasa magandang kundisyon pa ang bata at mabigyan ng karampatang paggamot.

Ayon sa doktor na sumailalim na si Dr. Glenda Dolorecon, normal ang tibok ng puso ng bata, ngunit kailangan itong isailalim sa iba pang laboratory test upang masiguro na malusog ang sanggol.

Ang lokal na pamahalaan ng Mandaue City ang sasagot sa lahat ng gastusin sa ospital at sa iba pang pangangailangan ng sanggol.

Ang Department of Social Welfare and Development na muna sa ngayon ang mangangalaga sa bata. At susubukan daw nila na alamin ang totoong nag iwan sa bata sa dumpsite kahit parang imposible na itong magpakita.

Joseph ang ipinangalan sa sanggol, alinsunod kay St. Joseph the Worker na patron ng lungsod ng Mandaue.

Hindi talaga natin lubos maisip na mayroon ganitong mga magulang na kayang iwan ang kanilang anak sa kung saan man lalo na sa tabi pa ng mga basura. Paano nalang kung hindi napansin na may bata pala sa supot at naitapon ito ng di sinasadya sa kung saan man?

Kahit na mahirap ang buhay, awtomatik na dapat akuin ng isang magulang ang responsibilidad na kalingain  at pangalagaan ang kanilang anak kahit mahirap man.

Source: ABS-CBN News

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement

Web Hosting